Chapter 44

4.3K 86 6
                                    

"N-nagkita kami ni.. ni Kaorine sa babies shop. And confirmed! That she was already married to Blaire.."yumuko ako. "Married to the man I love."kinabig niya ako ng yakap at napahikbi na lang ako sa kaniyang balikat.

Ang sakit pa rin talaga. Tama nga ang iba. Na kapag binalewala mo ay sa iba siya mapupunta at sasaya.

"Uwi na lang tayo."tumango na lang si Cheska at inalayan ako sa paglalakad.

Pagkauwi sa bahay ay diretso sa kwarto ako. Nagtataka sila Mama kung anong nangyari pero wala akong sinagot. Si Cheska na ang nagpaliwanag sa kanila at hindi na nila ako ginulo pa.

Kinabukasan maaga akong nagising upang pagsilbihan ang mga anak ko. Mag aaral kasi sila at ako ang maghahatid para makapaglakad-lakad na rin. Sa private school pa rin sila nag aaral at ayokong ipagkait sa kanila iyon.

"Mamma, okay ka na po ba?"tanong ni Cahlix ng bihisan ko siya.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Okay naman si, Mamma, baby."

Mariin niya akong pinagmasdan at parang nakikita ko sa kaniya ang istilo ni Blaire. Lalo na at magkamukha pa sila. Walang tinapon at sinayang.

Yumuko siya at pinantayan ang tiyan ko. "Hi, there, babies. Please, don't be stubborn there, okay? Para hindi na iiyak si Mamma naten. May you be a good babies to Mamma. I don't want to see her cry.. Seems to be breaking my heart."napatitig ako sa anak kong si Cahlix. He looks old when he speaks. Napakagaan niyang panoorin habang nakikipag usap sa malaki kong tiyan.

"Mamma,"nabaling ang atensyon ko kay Scarlet na ngayon ay nakasuot na ng uniform. She still cute to her uniform.

"Yes, baby?"nilapitan ko siya at bahagyang yumuko. Hindi kasi ako makaupo upang mapantayan siya.

"Nandito po si Mommy-La."aniya na ikinapitlag ko.

Almost 7 months ko na siyang hindi nakikita. Huling kita ko sa kaniya nung nasa simbahan pa kami at galit na galit siyang nakatitig sa akin.

"Si Mommy-La?"excited na tanong ni Cahlix at bumaba sa kama upang puntahin si Ma'am Beatrice.

Lumabas silang dalawa at naiwan akong nakatulala sa loob. Natauhan lang ako ng magsalita si Mama.

"Anak, hindi mo ba haharapin si Madam Beatrice?"tanong niya. "Gusto daw niyang makabonding ang mga bata."aniya pa.

Napatingin ako sa tiyan ko. Wala pa siyang alam na nabuntis ulit ako ni Blaire. Paano kung may sabihin nanaman siya?

"Ma, paano po kung kunin na naman nila ang mga anak ko? N-natatakot po ako."agad lumapit si Mama sa akin at hinawakan ang tiyan ko.

"Hindi mangyayari iyon, anak. Hindi na namin hahayaan ng papa mo ang ganon. Lalaban tayo kung kinakailangan."napayakap na lang ako kay Mama.

"Salamat po, Mama."she stroked my back and nod.

"Sige na, lumabas ka na nang makapag usap kayo."tumango ako at nagtungo na sa labas kasama siya.

Naririnig ko palang ang tawanan ng mga bata mula sa sala ay nagiging maayos na ulit ang pakiramdam ko. Napakasarap lang sa pakiramdam na marinig ang malalakas nilang pagtawa. Walang problema at yun ang lagi kong pinagdarasal para sa kanila.

Alam kong nangungulila din sila sa kanilang ama pero wala akong ibang masabi kung bakit wala si Blaire. Balang araw maiintindihan din nila ako.

Tumayo si Ma'am Beatrice ng makita ako. Unti-unti rin nabubura ang saya sa kaniyang mukha ng mapunta sa malaki kong tiyan ang paningin niya. Tumungo ako at hinimas ang tiyan ko.

"Iwan ko muna kayo rito, anak."bulong ni Mama sa aking tabi.

Marahan ko siyang tinanguan at nagpasalamat.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now