Chapter 2

9.9K 159 10
                                    

Simula

Five years nang nagta-trabaho si Camille Tuazon sa company ng mga Alcantara at ang dating president pa ang kanyang naging amo noon. Pero simula nang mamatay si Mr. Alcantara na dating president ng company ay ang nag iisang anak na niya ngayon ang humalili sa kanya upang ipagpatuloy ang mga naiwan nya.

Maraming nagbago simula nang mapasa-kamay ni Mr. Blaire Mathew Alcantara ang buong company ng kanyang ama. Maraming umuuwing luhaan na empleyado sa bawat araw na lumilipas dahil sa kagagawan ng batang presidente. Because he was known as a Heartless and a Ruthless President in their own company.

Lahat ay nagbibigay galang sa kanya at lahat ay may pag iingat kapag sya na ang nakikita sa daan o kahit saan pa man. Takot mo na lang mapabilang sa mga taong napapatay nya nang walang nakukuhang hustisya. Hindi biro ang isang BLAIRE MATHEW ALCANTARA kung ikaw ay may balak na masama sa kanya. Natitiyak nyang bukas na bukas ay hindi ka na siguradong masisinagan ng araw sa oras na pagtangkahin mo syang kalabanin.

Kaya kung may natitira kapang awa para sa sarili mo ay It's better to just keep quiet or else you'll die.

Maagang umalis si Camille upang pumasok sa trabaho bilang sekretary dahil isa iyon sa number one rules nya sa kanyang bagong amo. Kapag lumabag ka sa mga rules nya ay tiyak sa bahay ulit ang bagsak mo.

Balisa siya habang nakaupo sa siksikang mga tao na nasa loob ng jeep. Ganyan ang routine nya araw-araw. Kailangan nya munang makipagsiksikan sa loob ng jeep upang makarating sa kanyang trabaho. Paulit-ulit na syang bumabaling sa kanyang relong pambisig atsaka sya magpapakawala nang malalim na hininga dahil sa kaba na baka mapatalsik na sya sa trabaho sa oras na ma-late sya nang atleast isang segundo, minuto, or oras lang ang malaktawan. Buti kamo ay umabot pa sya ng limang buwan sa pagiging sekretary ng batang presidente.

Bago ang lahat ipapakilala ko muna sa inyo ang babygurl natin na si Camille Tuazon she's 20 years old. Mabait, masipag, at may takot sa diyos dahil iyon ang turo ng kaniyang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Simple lang ang buhay mayroon sila pero kahit ganoon lang ay masaya pa rin silang nagsasama-sama. May sari-sari store din silang ipinatayo para sa pang araw-araw nilang gastusin. 15 years old pa lang sya ay naghanap na kaagad sya ng trabaho para matulungan nya ang dalawa pa nyang kapatid na nag aaral pa nang elementary at High school. At para may mai-pambili rin sya ng mga gamot para sa kanyang tatay na may sakit sa bato.

"Manong para po."pagkasabi nya non ay dali-dali na syang lumabas kahit pa'y umaandar pa ito. Lakad-takbo ang ginawa nya hanggang sa makalapit na sya sa dalawang guards na nagbabantay sa entrance at exit way para makapagcheck ng mga gamit at ID ng mga pumapasok sa loob.

"Ma'am ID po at pakibukas na rin po ang bag ninyo."ani manong guard na may hawak na maliit na stick. Kahit kakilala mo na sila ay kailangan pa rin nilang mag impeksyon sa bawat pumapasok at lumalabas ng company dahil iyon ang mahigpit na bilin ng batang presidente sa kanila.

Hingal na hingal si Camille habang ipinapakita sa guard ang kanyang mga gamit at ID.

"Sige po, Ma'am, maari na po kayong makapasok."magalang na sabi ni manong guard sa kanya. Ngumiti at tumango lang sa kanya si Camille bago sya nagpasyang pumasok sa loob.

Bumaling ulit sya sa kanyang relo at sa awa nang diyos ay may sampung minuto pa syang natitira. Tumakbo sya nang makita nya ang pagbukas ng elevator.

"Ooppss!"sabi nya sa papasarang elevator na naabutan pa nya. Nakipagsiksikan nanaman sya ulit sa loob nito kaya marami ang nagreklamong mga empleyado.

"Ano ba yan, Miss. Siksikan na nga kami dito, dumagdag kapa. Hayss!"singhal sa kanya ng babaeng may makapal na salamin sa mata at may hawak pang mga dokumento. Katulad nya ay naka suit attire syang pang opisina.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now