Chapter 3

7.1K 126 8
                                    

"Walang mangyayari sa buhay natin kung papairalin ang hiya at takot sa paggawa ng mga bagay na kaya naman nating gawin."

-Ronaticss❤️

"Ate, may babayaran kami sa school."mula sa ginagawa kong pagta-type sa laptop ay nilingunan ko ang nagpapa-cute kong kapatid na si Carmela Tuazon she is 11 years old, bunso sya sa amin at grade 5 pa lang.

"Kiss muna."sabay nguso ko, ngumisi sya at nilapitan ako para mahalikan sa labi. Ganito kami ka-sweet bilang magkakapatid, pati sa labi ay nagpapahalik pa kami. Well, wala naman masama dun dahil laway din naman namin ang nananalaytay sa mga bibig at lalamunan namin.

"Mwaappss!"may tunog pa talaga.

"Ang sharap-sharap naman."kurot ko sa pisngi nya, ngumiwi sya at hinimas ang kanyang pisngi na kinurutan ko.

"Ate naman eh, ang sakit kaya."reklamo nya.

"Magkano ba ang babayaran mo?"tanong ko na nagpa-liwanag sa kanyang chinitang mga mata na katulad lang nang akin at nakuha namin ito sa pagiging singkit din ni mama.

Si papa naman ay sakto lang ang laki ng kanyang mga mata at si Carlo naman ang nakamana sa mga yon.

"250 pesos po ate."nakangising sagot nya.

"Okay, wait."tumayo ako para kunin ang nakasabit kong bag sa pintuan ng aking kwarto. Binuksan ko ito at kinuha ang wallet na binili ko pa sa Cebu. Maganda kasi at mura lang kaya binili ko na. Isa pa, feeling ko ang swerte nito para sa akin."Heto 500 na para may baon ka na din bukas."inabot ko sa kanya ang buong 500 at halata ang galak sa kanyang mukha.

Ganito ang gusto ko laging makita sa kanilang mga mukha. Hindi man kami biniyayaan ng maraming pera, atleast buo at puno nang pagmamahal ang pamilya namin.

I will do everything for my family. Makita ko lang silang masaya ay masayang-masaya na rin ako. Kahit stressful na ako dahil sa trabaho ko pero napapagaan naman nila ang loob ko pagdating sa bahay.

"Yehey! Thank you my pretty ate. Mwaah! Mwaah! Mwaaapss!!"natatawa ako dahil sa ka-bolerahan nya at sa kalambingan nya.

"Sige na, lumabas ka na dito at ibigay mo na rin ito kay kuya Carlo mo oh."kumuha ulit ako nang 500 sa wallet ko para kay Carlo. Ayokong may nag-iinggitan sa kanila kaya patas ko lang silang binibigyan ng pera.

"Opo ate. I love you."hinalikan ulit nya ako sa pisngi at niyakap.

"I love you too, and goodnight."malambing kong sagot sa kanya at sabay halik ko naman sa kanyang noo."Pakabait kayo ah?"

"Opo. Goodnight din po sa inyo ate."I nodded at her.

Nang makalabas na sya sa aking kwarto ay binalikan ko na rin ang ginagawa ko kanina sa laptop. Nakangiti akong napaupo sa kama habang iniisip kung gaano ako ka-swerte sa pamilya ko.

"Dai, bakit ganyan ang mga mata mo?"puna ni Trina sa akin nang makita ang mga mata ko. Napatingin na din sa akin si Jinky at tumango-tango.

Napasinghap ako at in-open ang monitor."Wala ito."sagot ko.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko ang pagcross arms ni Trina at ang pagkunoot noo ni Jinky."Alam mo, dai, masyado ka nang babad sa trabaho kaya pati beauty mo napapabayaan mo na."ani Trina. Sinulyapan ko lang sya at ngumiti.

"Kaya nga. Ang ganda-ganda mo pa naman pero napaka-pabaya mo na ngayon sa sarili mo."sabat ni Jinky na may pailing-iling pa, tila disappointed sa itsura ko ngayon. Pumanget na ba ako?

"Panget na ba ako ngayon?"natatawang tanong ko sa kanila.

"Hindi. I mean parang bumawas lang ganon."Trina.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon