Chapter 16

4.6K 86 8
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa ni Sir Blaire ay dalawang araw na akong hindi pa rin nagpapakita sa kaniya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ng sa ganon ay matapos na ito.

Buti na lang hindi niya ako hinahanap or baka naman ayaw na niya akong makita? Hays! Bakit ko ba kasi ininom ang juice na iyon?

"Damn! Do you know what you did, woman?! Hindi lang basta-bastang juice ang ininom mo! It has mixed ecstasy!"

Nanlumo ako nang marinig ko iyon sa kaniya nung sinabi kong uminom lang ako ng juice and then nakaramdam na ako ng kakaibang init. Yun pala ay may halong drugs na ang nainom ko. Bakit nga ba ang tanga ko?

"Napakapakelamera mo!"

I took a deep sigh and shook my head. Umayos ako ng upo sa kama'ng inihigaan ko. Nandito nga pala ako sa condo unit ni Rodjun. Pinatuloy niya ako dito ng makita niya akong palakad-lakad sa kalsada nung isang araw. Wala kasi akong dalang pera dahil naiwan ko ang bag ko noon sa tabi niya nung iniwan ko siya upang magcr.

Nalaman ko rin na hinahanap niya ako buong gabi hanggang sa mag umagahan dahil hindi na raw ako bumalik. Naguilty naman ako. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. Kung sana'y hinayaan ko na lang si Sir Blaire nun kasama ang babae niya, edi sana until now ay safe pa rin ang bataan ko.

Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

Nagtataka din si Rodjun ng makitang iba na ang suot ko nung araw na iyon at napansin niya rin kung paano ako nagpaika-ika sa paglalakad ng makita ako. Puno din ng pag aalala ang nakita ko sa mukha niya ng bigla na lang akong umiyak at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Sir Blaire. Pero alam kong matalino siyang tao at marami ng pumapasok na ideya sa kaniyang utak nung mga oras na iyon pero pinagpaliban na lang muna niya iyon.

"Goodmorning! How's your sleep?"napalingon ako sa bagong pasok lang na si Rodjun at nakita ko din ang mga paper bag na dala niya. Napangiti ako sa kaniya ng lapitan niya ako para mahalikan sa ulo.

"Goodmorning din..Uh, heto ayos lang."sagot ko na may ngiti pa rin sa labi. Pinanood ko naman siyang nilalagay ang mga dala niya sa mesang hindi naman kalayuan dito.

Malaki at malawak ang condo niya. Malinis at maganda ang pagkakadisenyo nito. Kung ang private room ni Sir Blaire ay grey and black ang makikita mo, dito naman ay pure white lang. May malaking ref din siya with double door habang sa di kalayuan nito ay may sink at mga gamit sa pagluluto, may malaking closet na malapit lang sa gilid ng cr, may tatlong sofa. Yung isa mahaba at yung dalawa naman ay pang isahan lang ang pwedeng umupo doon at sa gitna naman ng mga ito ay may maliit na lamesitang gawa sa glass table.

Mayroon ding malaking bookshelf, halatang mahilig siya sa pagbabasa. Sa wall na kaharap lang ng kama ay may nakalagay na malaking flatscreen tv at mga dvd player, speaker and so on. Ang kama namang inuupuan ko ay isang king size bed na plain lang ang design ng kaniyang bed sheet. Sa gilid nito ay may bedside table kung saan may nakalagay na lampshade.

Marami ka pang desenyong makikita sa loob ng unit na 'to. At siguradong mawiwili kang maparito.

"The breakfast is ready, Cams."ani Rodjun at may hawak na siyang tray na may lamang pagkain at gatas.

Umayos ako ng pagkakaupo at ngumiti sa kaniya."Salamat."

Pinanood ko siyang inilapag ang tray sa kama at ang pagkuha niya sa tinidor at kutsara. Naramdaman ko tuloy ang gutom sa tiyan. Nakangiti siyang lumingon sa akin at akmang susubuan niya ako ngunit agad kong hinawakan ang kaniyang wrist.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon