Chapter 4

6K 121 7
                                    

Nagdaan ang mga araw at lagi na lang dumadalaw sa company si Rodjun. Natatakot na nga ako baka tanggalin na kami ni Sir Blaire sa trabaho.

"Goodmorning, Cams."bati niya nang makalapit siya sa amin.

"Goodmorning din."nakangiting sagot ko.

"Magandang umaga, Sir Rodj."bati ni Jinky kay Rodjun.

Natatawang napalingon sa kanya si Rodjun."Rodjun na nga lang, wag nang Sir."aniya.

"Baka kasi marinig kami ni Sir Blaire at paalisin na kami."

"Kinausap ko na siya. Isa pa, wala naman siyang magagawa kung Rodjun lang ang gusto kong itawag niyo sa akin."

Napangiti na lang si Jinky sa kanya."Buti kapa, Sir, ang bait niyo. Hindi katulad ni–Alam niyo na. Hehe"bulong pa niya.

"Jinky."banta ko gamit ang matigas na boses atsaka ko siya pinanlakihan ng mata. Nagpeace sign lang siya at nagpatuloy sa ginagawa niyang trabaho.

"Kayo talaga."sabi ni Rodjun, nagkatitigan kaming dalawa atsaka ko lang siya nginitian.

"Rodj."napabaling ang mga atensyon namin kay Sir Blaire na nasa likuran ni Rodjun, seryoso ang mukha nito at nakapamulsa ang isang kamay niya sa kanyang suot na pants.

"Oh, bro. Bakit?"ngising tanong ni Rodjun. Napalunok ako ng isang beses ng makita ko ang matatalim niyang mga matang nakatitig sa akin.

Umiwas ako nang tingin sa kanya at kunwaring may ginagawa sa monitor.

"Go home."rinig kong sabi niya sa malalim na boses. At alam kong si Rodjun ang kausap niya.

"Bro, ayaw mo bang nandito ako?"kinagat ko ang ibabang labi ko para iwasan ang pakikinig sa kanila.

"Hindi ka nakakatulong dito kaya umuwi ka na. Do not disturb them in their work."

Nang marinig ko ang mga yapak nila palayo ay doon ko lang inangat ang ulo ko. Nakasunod si Rodjun sa kanya habang may sinasabi sa walang pakialam na si Sir Blaire.

"Napaka sungit talaga niya."bulong ni Trina.

"Parang hindi ka na nasanay kay Sir Blaire."tugon naman ni Jinky habang tutok na tutok sa kanyang monitor.

"Sshh! Wag nga kayong maingay diyan."suway ko sa kanila. Baka mamaya marinig ni Sir Blaire ang pag uusap ng dalawa tungkol sa kanya.

Lumipas ang ilang oras na pagta-trabaho namin. Naka-alis na rin si Rodjun sa opisina ni Sir Blaire atsaka ito nagpaalam sa amin na uuwi na.

"Excuse me. Is Blaire there?"iniangat ko ang ulo ko sa babaeng mestisa na nagtanong sa akin kung nandiyan ba raw si Sir. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, medyo naasiwa pa ako sa suot niya. Parang kinulangan nang tela ang suot niyang dress tube.

"May appointment po ba kayo kay Sir Blaire, Ma'am?"tanong ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay na para bang may ipinagmamalaki siya sa akin. Hindi ako judgemental dahil hindi kami pinalaki ng ganun nila papa at mama pero base sa nakikita ko ngayon ay para siyang babaeng hindi matino. Sa kanya pa lang ay parang dina-down na niya ang mga matitino pang mga babae sa mundo dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang pananamit.

"I asking you, where is he?"maarteng sambit niya.

"Ma'am, pasensiya na ngunit kung wala naman po kayong appointment kay Sir Blaire ay maari na po kayong umalis."

Pagak siyang natawa atsaka niya ako tinitigan na tila nang iinsulto."Do you want to be fired? And don't you know me? I am the girlfriend of the person who owns this company." mariin niyang sambit, napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwala. My god! Boyfriend niya si Sir Blaire? Ganun ba ang mga tipong babae ni Sir?

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now