Chapter 21

4.9K 93 9
                                    

"Bakit ngayon ka lang bruhilda ka?"nakapameywang na tanong ni Cheska, ang baklang nagpatrans-gender at kaibigan ko ngayon. Maganda siya at hindi mo talaga aakalin na dati siyang lalaki. Isa din siyang pinoy–I mean, pinay. Her language is kapampangan pero dito na siya sa France nanirahan ng ilang taon.

Nung unang magkita kami akala ko talaga ay babaeng-babae siya dahil sa kaniyang napaka perpekto niyang hubog na pangangatawan, mahaba ang buhok niya hanggang bewang, at maputi. Para siyang modelo ng mga shampoo at iba't ibang produkto ng mga sabong pampaputi.

Pero nung maging close kami sa isa't isa ay ipinagtapat niya ang nakakagulat at hindi kapani-paniwalang kwento niya sa akin. Ako lang ang pinagsabihan niya tungkol doon dahil nagtitiwala na daw siya sa akin kaya niya iyon sinabi. At syempre ayoko namang sirain ang tiwalang ibinigay niya kaya sa loob ng limang taon naming paninirahan dito sa France ay nananatili pa rin iyong lihim hanggang ngayon. Kahit si Rodjun ay hindi alam ang tungkol doon. Ang tanging alam ng lahat ay isa talaga siyang binibining walang itlog.

"Sorry na. Traffic kasi."dahilan ko at umupo sa harapan ng kaniyang table kung saan ang opisina niya.

Nandito kami sa botique niya na naglalaman ng mga undergarments para sa mga babae. Isa ako sa mga empleyado niya ngunit kaibigan pa rin ang turingan namin sa isa't isa.

"Naku, bruhilda ka. Kung hindi lang kita kaibigan, maniwala ka man o sa hinde ingungudngod pa rin kita diyan with feelings pa."irap niya, imbis na matakot ako ay tinawanan ko lang siya na nagpatalim sa mga titig niya sa akin."Nang makatula?"inis niyang sambit sa wikang kapampangan.

Kung hindi lang ako nasanay sa pakikipag usap niya sa akin ng ganong wika ay iisipin kong minumura na niya ako. Eh, wala naman kasi talaga akong alam noon sa ganong lenggwahe nila. Tagalog or english lang ang kaya kong isagot sa kaniya.

At yung tagalog nung sinabi niya kanina ay, (Anong nakakatawa?) Buti na lang kabisado ko pa yon.

Nakaka aliw din minsan ang pagsasalita niya ng wikang kapampangan. Minsan natatawa ako sa pagsasalita niya ng ganon, iisipin kong isa siyang alien na naligaw mula sa Mars. Haha I'm just kidding.

Pero paano kung alien siya diba?

Ay, ang bastos kong mag isip sa kaniya.

"Hoy, nakikinig ka ba? Ano na naman bang ka-cheapan yan ah? Alam kong maganda na ako since birth kaya wag ka nang magtaka pa. Nakaka imbyerna kang bruhilda ka. Hmp! Kanyaman mong kandutan singet."aniya at aktong kinukurot ako.

Napailag ako at natatawa pa rin sa kaniya. Hay naku.

Yung sinabi niya sa bandang huli ay, (Ang sarap mong kurutin sa singit.)

"Iniisip ko lang kung alien ka ba talaga or hinde."natatawa kong sambit na nagpalaki sa kaniyang bilog na mga mata.

"Aba't ang bastos ng bunganga mo ah? Anong sa palagay mo sa fess ko? Hindi tunay na diyosa? Alam mo hindi ko alam kung tama pa bang kinaibigan kita. Nakakasakit ka ng damdamin."umaarteng hinawakan niya ang kaniyang malulusog na dibdib.

Tinaasan ko siya ng kilay at napangiwi."Ang arte mong bakla ka."ani ko.

"Hoy, at least maganda ako."depensa niya at umirap sa akin.

Sasagot pa sana ako pero bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iniluwa mula doon ang asawa kong mukhang bagot na bagot ang itsura.

Tumayo ako at sinalubungan siya ng halik sa labi. Agad siyang napangiti na gustong-gusto ko talagang nakikita simula pa noon. Hinalikan niya ako sa noo na nagpangiti din sa akin.

"Why are you here, hon?"malambing kong tanong. Kakahiwalay pa lang namin kanina pero nandito na naman siya.

Ngumuso siya dahilan para mapatingin ako doon. Ang cute talaga ng asawa ko.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon