Chapter 20

5.5K 98 5
                                    

Sa condo ni Rodjun niya ako dinala after naming lisanin ang kumpanya ni Blaire. Tahimik lang kami kahit nung nasa biyahe pa lang kaming dalawa kanina.

Sariwa pa rin kasi sa isipan ko ang sinabi niya sa harapan namin ni Blaire. Hindi ko din alam kung paano siya nandon at galit na galit pa siyang pumasok.

Hindi kaya sinundan niya ako?

"Upo ka muna."pinaupo niya ako sa couch.

"Salamat."sambit ko at dahan-dahan akong naupo.

"What do you want? Coffee? Tea? Water?"tanong niya.

"Ah. Coffee na lang."sagot ko.

"Okay."aniya.

Tumalikod na siya sa akin at pinagmasdan ko siyang pumunta sa may sink.

"Buntis ako."

"So anong gusto mong sabihin? Na akin yang batang dinadala mo? Oh, come on, Cams. I'm not stupid para akuin yan."

"Pero hindi ibig sabihin na ako ang naka una sayo ay ako na rin ang ama nang batang dinadala mo. Don't fool me, Camille Tuazon. Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin kita or kayo nang batang yan."

"Fuck you, Blaire! Subukan mo lang galawin ni-katiting na dulo ng kaniyang buhok or nang magiging anak namin..I swear..Hinding-hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka!"

"I knew it! Napakalandi mo talaga."

"Heto na ang kape mo."

Nahinto ang mga flashback sa isipan ko na nangyari kani-kanina lang ng magsalita si Rodjun at inilapag sa mesa ang tasa na may lamang kape.

"Salamat."nahihiyang sagot ko at kinuha ang kape. Sumimsim ako dito at saka naman siya umupo sa may tabi ko.

"Tungkol dun sa sinabi ko kanina. I'm sorry."panimula niya.

Natigilan ako at ibinaba ang kapeng hawak ko at saka ko siya nilingunan.

"Bakit ka ba nandun?"tanong ko. Napakamot siya sa kaniyang batok.

"Nakita kasi kitang lumabas ng bahay kanina kaya sinundan na kita."

So kanina pa pala niya ako sinusundan hanggang sa makarating ako kumpanya ni Blaire?

"Pero bakit hindi ka man lang nagpakita or lumapit sa akin?"

"Dahil ayokong sirain kung ano man ang ipinunta mo doon. Baka kapag nilapitan pa kita kanina ay i-uwi na kaagad kita. Alam kong kailangan mo ng oras para makausap siya."seryosong sagot niya.

"Pero bakit mo sinabing anak natin ang pinagbubuntis ko sa kaniya?"

Bigla tuloy akong pinamulaan ng mukha ng maalala ko ang mga pinagsasabi ko kanina kay Blaire tungkol sa amin ni Rodjun kahit na gawa-gawa ko lang naman yon.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagtuunan ng pansin ang kape ko.

"Dahil ginalit niya ako. Narinig ko lahat ng mga pinag usapan ninyong dalawa at doon na nga ako lumabas ng pagbantaan niya ang buhay ninyong mag ina."mababakas ang galit sa kaniyang boses ngunit halatang nagpipigil siya."Tangna niya! He never eligible to being a father of your child, Cams. Yes, he's my cousin but damn! Wala na siyang kwentang pinsan para sa akin. He's a fucking coward!"nagagalit niyang sambit.

Pinaglaruan ko ang mga kamay ko. Nagagalit din ako sa lalaking yon. Tama si Rodjun, wala siyang kwenta at hindi siya karapat-dapat na maging ama sa magiging anak ko.

Napahimas ako sa tiyan ko at dama ko na rin ang mainit na likidong nasa gilid ng mga mata ko.

"I'm sorry, baby.."I whispered.

Say That You Love Me (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя