Chapter 42

4K 77 9
                                    

7 Months Later

"What's the gender of the baby?"excited na tanong ni Rodjun pagkauwi ko sa bahay. Nandito lahat ang buo kong pamilya at ang mga anak ko, masaya din silang nakikibalita sa naging resulta kung ano ang gender ni baby.

Kasama ko si Cheska'ng nagpunta sa OB. At sobrang tuwa ko dahil sa nalaman.

Bigla akong napaiyak na ikinataranta nilang lahat. Agad lumapit si Rodjun at si Mama sa akin atsaka nila ako pinaupo sa sofa. To the rescue naman sa pagpaypay si Carmela at sa pagkuha ng isang basong tubig ni Carlo para sa akin. Ang kambal ko ay pinupunasan ang mukha ko at hinahalikan pa ito.

"What happened, Cams?"nag aalalang tanong ni Rodjun at hinarap ang mukha ko sa kaniya. Hindi rin mapakali si Mama sa gilid ko.

"Anak, may nangyari ba?"tanong ni Mama.

Umiling ako at ngumiti. Kumunot ang mga noo nila at the same time may halong pag aalala.

"W-wala po."

"Kung gayon bakit ka umiiyak?"nilagay niya ang takas kong buhok sa likod ng tenga.

Isa isa ko silang tinitigan. Mas lalo lang akong naiiyak sa tuwa dahil nandito silang lahat. Hindi nila ako iniwan sa kabila ng pangungulila ko sa ama ng mga anak ko. They've always supporting me and I am very thankful. Especially to Rodjun. Kahit nasaktan ko na siya ng ilang beses ay patuloy pa rin siyang nagsstay sa buhay namin ng mga bata. Alam kong masakit pa rin sa part niya iyon at ayoko naman abusuhin lalo ang kabaitan niya kaya sinubukan kong iwasan siya ngunit mas lalo lang siyang nagpupursiging magstay sa amin.

"Mamma, don't cry na po."ani Cahlix at hinalikan ang mga mata ko. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso. Napakasweet talaga nila.

Marahan akong tumango at pinaghalikan ko naman sila sa mga noo.

"Nagkakacry ka po because?"tanong ni Scarlet. Napahagikhik ako sa tanong niyang iyon at kinurot siya sa napakatambok niyang pisngi.

"Nagkakacry si Mamma because I am lucky to have you all here and especially for our upcoming new babies.."sabay haplos sa aking malaking tiyan.

Nanlalaki ang mga mata nila Cahlix at Scarlet. Ganon din ang naging reaction nila Mama at bigla-bigla naman ang pagtili nila Cheska at Carmela.

"Kambal ulet, ate?"masayang tanong ni Carmela.

Umiling ako at ngumiti. Mas lalo silang na-excite.

"O.M.G! Triplets?"

"Oo, dai! Nakachamba nanaman si Fafa Blaire bago umalis."tili ni Cheska at hinampas pa sa braso si Carmela.

Unti-unting nawala ang malawak kong pagngiti at natahimik. Nawala rin ang ingay sa pagitan nila Carmela at Cheska ng suwayin sila ni Mama.

"Bunganga mo, Cheska."mariing bigkas ni Mama.

"Ay sowi na po mader."sabay peace sign. Siniko naman siya ni Carmela sa tagiliran ngunit mahina lang iyon.

"M-magpapahinga lang po ako."mahina kong sambit at inilalayan ako sa pagtayo ni Rodjun. Sinamahan din niya ako sa pagpunta sa aking kwarto.

Nang makapasok ay humiga kaagad ako sa kama at tumalikod kay Rodjun. Bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako sa ulo at inayos ang pagkakakumot sa akin.

Himas-himas ko ang malaki kong tiyan. "Babies, d-don't think of your Tita Cheska, okay? W-we both know that your father will also come b-back to us. B-babalikan niya tayo at siguradong magiging masaya yon kung.. kung malalaman niyang triplets kayo."humikbi ako. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana bumalik na siya.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon