Chapter 39

4K 73 1
                                    

Umuwi akong luhaan. Sa condo muna kami ni Rodjun nanatili dahil sa mansion nila ay nandoon ang kaniyang pamilya. Ayoko munang tumira doon dahil nahihiya pa ako. Tsaka na pagkatapos ng kasal.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga napag usapan namin ni Blaire kanina. Hindi ko alam kung may nararamdaman din ba siya sa akin o gusto lang niyang mapasaya ang mga bata sa ganong paraan. Gusto ko din naman bigyan ng buong pamilya ang mga anak ko ngunit hindi sa ganong paraan. Magpapakasal kami kahit alam namin sa isa't isa na hindi maaari?

Hindi ako niyaya ni Blaire magpakasal para masabing mahal ako. Sinabi lang niya iyon para manatili ako sa tabi ng mga bata. Syempre. Sino ba naman ang magulang na ayaw ng kumpletong pamilya, hindi ba? Pero kung kumpleto man ay pupwede naman niyang yayahin si Kaorine.

Napahilamos ako ng mukha. Okay! Nakakaguilty ang mga nabitawan kong salita kay Blaire. Ayoko naman talagang ipagtulakan pa siya sa ibang babae. Umaasa pa akong pipigilan niya ako sa pag alis at yayakapin ng mahigpit. Ngunit napagtanto ko talagang wala akong halaga para sa kaniya. I'm not valuable for him

Bakit ba ako nasasaktan kung magpapakasal man siya kay Kaorine? Wala naman akong pakealam pa. He is not important for my tears.

Kinabukasan maaga akong ginising ni Rodjun.

Bumungad kaagad ang napakaamo niyang pagmumukha sa akin habang may malawak na ngiti.

I smiled too.

"Goodmorning, hon.."he kissed my lips. Hindi ko siya sinuway ngunit nakaramdam ako ng guilty. Hinalikan din ako ni Blaire kahapon.

"M-morning."paos kong sambit pabalik.

Pansin ko ang basa niyang buhok at kung paano ito nakaayos. Nakasuot siya ng white long sleeve polo na nakatupi hanggang sa ibabang siko.

"Bumangon kana diyan, hon.. Don't you remember? We will have a wedding prenup photoshoot later."aniya.

Napamulagat ako ng mga mata ng maalala na ngayon ang schedule ng prenup shoot namin.
Magsisimula iyon ng 10:00 A.M at ngayon ay 7:45 A.M na. Maliligo at aayusin pa nila ako pagdating sa lugar kung saan naming napili ni Rodjun na magpakuha ng mga larawan.

"Pasensya na, nakalimutan ko."bumangon ako at tinulungan naman niya ako sa pagtayo.

Marahan siyang humalakhak at masasabi kong mukha siyang modelo dahil sa kaniyang istilo.

"It's okay, hon. Maaga pa naman."he said.

Tumango ako at nagtungo na sa banyo. Pagkatapos ng ilang oras ay nagtungo na kami sa lugar kung saan kami magpapakuha ng mga pictures. Para kaming nasa paraiso dahil sa umuulan na mga naggagandahang mga halaman at bulaklak.

"Wow! You look even better, hon. Grabe! Kahit ano yatang isuot mo ay siguradong babagay at babagay pa rin sayo. Pano pa kaya kapag real wedding gown na talaga ang suot mo? I'm sure, mas magiging maganda kapang tignan."puri ni Rodjun ng matapos akong bihisan ng mga bakla at ayusan. Nakasuot ako ng simpleng white gown. Ang buhok ko ay nakapusod habang may suot na maliit na crown sa ulo. Si Rodjun naman ay naka puting tuxedo. Kung titignan ay parang ngayon na ang kasal namin.

I smiled to Rodjun. "Thankyou."

He nodded. "I can't wait to marry you again, hon. I promise to you, mas magiging mabuti pa akong asawa para sayo. Hinding hindi kita iiwan at ipagpapalit sa kahit sinong babae. Because I fall for you even more.. I love you."

Hindi ako nakaimik. Nanunubig na rin ang mga mata ko. Sana maging mabuti na din akong asawa sayo. Gusto ko ng ayusin ang lahat at itama ang lahat ng pagkakamali ko.

Gusto ko ng kalimutan ang lahat at bumuo ulit ng panibagong memories na kasama ka. I hope you are the right man for me, Rodj. And I will tried to be your good wife.

Say That You Love Me (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα