Chapter 43

4.2K 80 4
                                    

"Kinakabahan ako, Rodj. Baka lalo lang sila magalit sa akin at ayokong mangyari iyon."kinakabahan talaga ako kanina pa. Inaya kasi ako ni Rodjun na magpunta sa kanilang mansion upang makausap ng maayos sila tita.

Gusto ko na din silang makausap at humingi ng tawad sa lahat ng kahihiyang nagawa ko pero hindi sa ganito. Hindi ngayon. Natatakot akong pati ang mga pinagbubuntis ko ay madamay.

Hinawakan niya ang mga kamay ko ng sobrang higpit. Nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan at nasa tapat na rin kami ng kanilang mansion.

"Hey, listen to me."pinaharap niya ako sa kaniya. "I won't let them to hurt you, okay? And Mommy said that she is not mad at you. She's understand of what you've did. Naipaliwanag ko na sa kanila ang lahat."marahan niyang paliwanag.

Parang kinurot ang puso ko. Dahil sa kabila ng lahat ng aking mga nagawang kasalanan ay nagawa pa rin niyang magfirst move at manatili sa aking tabi at mas naging mabuti pa siyang tatay-tatayan kina Cahlix at Scarlet. Malaki ang pasasalamat ko dahil isa siya sa mga halimbawa na naging totoo sa akin.

"Thankyou."sabay yakap ko. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa at niyakap din akong pabalik.

Inalalayan niya ako sa pagbaba sa sasakyan at sa pagpasok sa loob ng mansion. Hindi ko pa rin mapigilan ang hindi kabahan.

"Hey, relax. Kasama mo ako and I will never let them to touched you every inch of your body. I'll protect you."napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Rodjun. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan kahit anong mangyari.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya.

"Kuya."nabaling ang atensyon namin kay Rochelle na nasa harapan na namin. Nagtataka ang mga mata niyang napatingin sa akin, pababa sa aking napakalaking tiyan.

Nakaramdam ako ng hiya. Yumuko ako at hinimas ang aking tiyan. Doon lang ako kumukuha ng lakas sa tuwing nanghihina or kinakabahan ako.

"Welcome home again, ate."umangat muli ang paningin ko kay Rochelle na ngayon ay may malawak na ngiti atsaka ako nito niyakap ng sobrang higpit na tila ayaw na akong pakawalan pa. "Oh gosh! I miss you so much, ate."aniya pagkaharap niya sa akin at pansin ko ang maluha-luha niyang mga mata.

Napahinga ako ng maluwag. Hindi galit si Rochelle sa akin. At malaking pasasalamat na iyon para sa akin.

"Hindi ka galit?"napalunok ako. Natahimik siya na pinagsisihan ko pang tanungin siya.

"Well, at first I was really angry with you.."humalukipkip siya. "But I understand naman."ngumiti siya na nagpangiti din sa akin.

Hinawakan ko siya sa kamay. "I'm sorry."sinsero kong sambit.

"Okay na."she shrugged.

"So where's Mom, Chelle?"tanong ni Rodjun sa kaniya.

"Oh, I forgot. Mom is not here, kuya. Nasa shop siya."sagot nito sa kuya at muli akong tinignan. "Ate Camille, halika dito. Marami tayong pag uusapan. Nakakamiss kana kasi, e. Ilang buwan kana rin hindi nadalaw rito."

Napatango ako at nagpahila na sa kaniya paupo sa mga sofa. Nagpaalam naman sandali si Rodjun na sinang ayunan namin ni Rochelle. Nagkwentuhan lang kaming dalawa at sobra ko din siyang namiss. Unti-unti na rin naman napapalagay ang loob ko.

"So mahal mo pa ba si kuya Blaire?"bigla niyang tanong.

Napamaang ako at hindi kaagad nakapagreact.

Bumilis din ang tibok ng aking puso.

"Hindi ko talaga alam na siya pala ang ama ng mga pamangkin ko ha? Kaya pala nung unang kita ko palang sa kanila sa simbahan ay parang familiar sila sa akin at hindi ko lang talaga matukoy ng maayos kung sino."dugtong pa niya. "Pero ngayon si kuya Blaire ulet ang ama?"ngumuso siya sa malaking tiyan ko.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon