Chapter 33

3.8K 70 1
                                    

Linggo na ngayon at ngayon din ang alis namin papunta sa mansion ng ina ni Blaire. Nag impake na kami at dalawang maleta ang dinala namin. Nang matapos ay sabay sabay na kaming nagtungo sa loob ng van. Si Blaire ang nasa driver, ako naman sa passenger seat, at ang kambal ay nasa center backseat. Nasa compartment naman ang dala naming mga gamit.

Kinakabahan ako habang iniisip na sa mansion kami ng mommy ni Blaire ang tungo namin. Alam kong hindi lang simpling kaba ito. Kinakabahan ako dahil alam kong malaki ang kasalanan namin sa kaniya dahil sa nangyari nung mga nakaraang buwan. Siya ang nawalan ng malaking halaga at hindi sapat ang mga perang naibigay namin. Ngayon nakikisabit pa ako sa anak niya.

Kaya naman ng magpark ang van sa gas station ay nilubos ko na ang pamamaalam na magc-cr lang sandali.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko habang nakaharap sa malaking salamin habang nakatukod ang mga kamay ko sa sink.

"Wag kang kabahan, Cams.."pagsusuyo ko sa aking sarili. Nang kumalma ako ay binalikan ko na ang tatlo.

Pumasok ako sa passenger seat at dama ko ang mapanuring tingin sa akin ni Blaire. Hindi ko na lang iyon pinansin at dumungaw na lang sa labas ng bintana hanggang sa makausad na kami.

"Are you okay?"basag niya sa katahimikan. Binalingan ko siya sandali bago ang mga bata. Tulog na tulog na sila doon.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa katabi. "Ayos lang ako."sagot ko at mahinang ngumiti.

Napabuntong hininga siya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. He held my hand so tight at pinagsalikop pa niya ito. Tumagal ang titig ko doon bago nakabawi sa ginawa niya.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.

"Don't.. Just let me hold your hand like this. I promise, you will be safe and not think much of anything.."seryoso niyang sambit.

Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako muling naglakas loob na agawin sa kaniya ang kamay ko. Bagkus nasisiyahan pa akong magkahawak ang mga kamay namin sa ganitong posisyon at pakiramdam ko safe na safe talaga ako.

Hindi rin nagpahuli ang aking puso sa pagbilis nito at ang pamumula ng aking mukha.

I secretly smiled.

Sana ganito pa rin kami. Sana ganito pa rin siya sa akin.

Sa haba ng biyahe ay nakatulog akong may ngiti sa labi habang hawak parin ang kamay ni Blaire. Tulog pa rin ang kambal sa likod.

Nagising na lang ako ng may bumulong sa akin. Pagmulat ko, ang mga mata ni Blaire ang una kong nakita at ang mukha niyang malapit sa akin.

"We're here."paos niyang bulong na ang sarap sa pandinig.

Ang bango pa rin ng kanyang hininga. Yung sa akin, baka napanis na dahil sa kakatulog ko. Nakakahiya tuloy magsalita sa harapan niya na ganito pa kalapit.

Marahan akong tumango at mainam na itinikom ang bibig. Bumaba ang kanyang paningin sa bibig ko at tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Let me taste your lips.."mapanuya niyang sambit.

Ihihilig ko sana ang mukha ko ngunit maagap niyang nahawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa lang niyang malaking kamay.

Dumampi ang napakalambot niyang labi sa tikom ko paring bibig.

"Damn! Open your mouth baby."he said. Hindi ako sumunod sa kanya dahil ayokong ma-turn off siya sa baho ng hininga ko ngayon. Hayss!

Tumigil na siya at tinitigan ako sa mukha ng may bakas na ngisi sa kaniyang labi.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon