Chapter 14

4.4K 90 3
                                    

Kinakabahan ako ng papalapit na kami sa entrance ng 50th floor. Rinig ko na rin ang background music na nagmumula roon at ang mga taong nasasalubong namin ay puno ng pagtataka at galak sa kanilang mga mukha ng makita kaming magkasama ni Sir Blaire.

Nakahawak kasi ako ngayon sa kaniyang braso at hindi ko maiwasang ang hindi makaramdam ng pagkailang habang siya ay seryoso lang sa paglalakad at tumatango lang kapag may bumabati sa amin or sa kaniya. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti sa mga ito. Parang ang damot niyang magbigay ng ngiti.

Lalong lumakas ang music ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Mas lalong dumami ang mga matang nakamasid sa aming dalawa. 

Kinakabahan talaga ako parang gusto ko na lang magtago sa bulsa ni Sir Blaire. Sanay naman akong makihalubilo sa mga tao pero iba naman ito. Hindi naman kasi dapat ako nandirito eh.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa kabuuang ayos ng lugar na ito. Malawak ito at napapaligiran ng iba't ibang disenyo. May mga malalaking chandelier ang nakasabit sa ceiling dahilan para mas lalong gumanda ito.
May mga taong magagarbo din ang mga suot nila at halatang may pinag aralan kahit titigan mo lang sila. May mga waiter at waitress din ang pakalat-kalat para sa mga pagkain or inumin na hinahatid nila sa mga guest.

May mga babaeng halos kaedad lang ni Sir ang nandito and the rest puro mga matatanda na. Napansin ko din ang isang grupo ng mga kababaihan na nakaupo sa malawak na mesa'ng nakatoka sa kanila na hindi naman gaanong kalayuan dito sa kinatatayuan namin at ang pagtingin nila sa amin or should I say to Sir Blaire. At pagdating naman sa akin ay puro masasamang tingin ang pinupukol nila.

"Magandang gabi, Mr President."bati ng dalawang matandang papalapit sa amin ngayon. Mag asawa siguro sila.

"Goodevening, Mr. Fontler and Mrs. Fontler."bati ni Sir Blaire at nakipagkamayan pa.

Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin sa akin ni Mrs. Fontler at ang pagngiti niya sa akin kaya sinuklian ko iyon.

"Oh, who is this beautiful woman, Mr. Alcantara?"she asked. Ramdam ko naman ang pagbaling sa akin ni Sir Blaire kahit na kay Mrs. at Mr. Fontler ang atensiyon ko.

Tumikhim muna ito bago sumagot."She is Miss Camille Tuazon."maawtoridad niyang sagot. Akala ko sasabihin niyang slave lang niya ako.

"Oh, hi. I'm Mrs. Tracy Fontler. Nice meeting you."bati sa akin ni Mrs. Tracy. Ngumiti ako sa kaniya at nakipagkamayan.

"Nice meeting you too po, Ma'am."I said.

Nakipagkilala din si Mr. Fontler sa akin bago sila nagpaalam. Marami na rin ang mga nakipagkilala sa akin at bumabati sa amin. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang kabang nararamdaman ko.

"Goodevening, ladies and gentlemen, can i take your little attention for a moment?"panimula ng emcee na nasa itaas ng magarbong stage.

Nagsi upo naman ang mga tao at nanahimik sa kani-kanilang mga upuan habang seryosong nakikinig sa emcee. Ganun din ang ginawa namin nila Sir Blaire at Rodjun pati na rin yung kasama niyang babaeng pumunta dito.

Maganda siya ngunit lagi kong napapansin ang panay sulyap niya kay Sir Blaire. Type niya yata. Nakikita ko kasi kung paano niya ipitin ng marahan ang kaniyang buhok sa tenga at sabay tingin pa kay Sir Blaire na halatang nang aakit siya dito. Ewan ko ba. Lagi na lang akong naiinis sa mga babaeng unang nagpapakita ng mga motibo sa mga lalaki. At saka lagi na lang sila kay Sir Blaire nagpapakita ng motibo. Ang takaw pa naman niya sa mga babae and then pagkatapos niyang pakinabangan ay itatapon na lang niya ng basta basta.

Si Rodjun ang kasama niyang pumunta dito pero sa iba siya nagpapakita ng motibo. Mga babae nga naman.

"Hey, are you okay?"tanong bigla ni Rodjun na nasa tabi ko na pala kung saan kanina nakaupo si Sir Blaire.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now