Chapter 30

4.4K 76 3
                                    

Pinatay ko na ang phone at pumihit paharap sa tatlo. Nagsalubong ang mga mata namin ni Blaire pero agad ko din itinuon iyon sa mga bata. Nakasuot pa rin sa kaniya ang pang opisinang attire suits niya halatang kakagaling lang niya sa trabaho.

"Buo na po tayo."halos masamid ako sa katagang sinabi ni Cahlix.

"Mamma! Daddy is already here na po."Said Scarlet and she approached me. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa mga pinagsasabi nila.

Tumango ako at ngumiti ng bahagya sa kaniya.

"What the hell Blaire! Bakit hindi mo man lang ako sinundo? My gosh!"isang matinis at maarteng boses ang bumungad sa amin mula sa likuran ni Blaire. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Kaorine iyon.

Tinuon ko na lang ang buong atensyon ko kay Scarlet na ngayon ay nakabusangot na siyang nakatingala kung saan nakatayo sila Blaire at ang babae niya.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip ng anak ko. Pero pakiramdam ko ayaw niyang nandirito ang babae ni Blaire. Palihim akong napangiti dahil sa isiping iyon.

"You should never go here."malamig na sambit ni Blaire.

"What?"may diing tanong ni Kaorine. Lumapit na rin si Cahlix dito at tumabi sa aming dalawa ni Scarlet.

Napatingin ako sa dalawang nag uusap at nakita ko ang frustration sa mukha ni Blaire habang inaalis ang neck tie na nakasuot sa kaniya.

Napakagat labi ako. Ako dapat ang nagtatanggal diyan e.

"Let's not talk here Rine."marahan niyang sabi ngunit may diin doon. Napalingon pa siya sa kinaroroonan namin ng mga bata at ganoon din ang girlfriend niya.

Matatalim ang mga matang ipinupukol niya sa akin."What are you doing there?"she asked.

"Rine!"Blaire's warned. Aalma pa sana si Kaorine nang mabilisan na siyang nahila ni Blaire papasok sa loob ng bahay.

Nanatili ang mga mata ko kung saan sila pumasok. Anong problema nila?

"Mamma, nag-aaway po ba sila daddy?"nabaling ang atensyon ko sa naging tanong ni Cahlix. Halata ang curiousity niya sa mukha.

I shook my head."No baby. Uhm, baka nagtatampo lang yung...girlfriend ng daddy mo."sabay iwas ko nang tingin.

"Mamma, do you love daddy po?"this time halos mahulog na ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Scarlet.

What the hell? Seryoso! Bakit iyon ang napiling itanong ng anak ko? Iniiwasan ko nga ang pagtatanong nila tungkol kay Rodjun. Tapos heto nanaman?

Anong isasagot ko sa kanila? Eh, hindi ko naman mahal ang daddy niya at ganun din naman siya sa akin.

"Uhm,"

"Cams, umahon na raw kayo riyan."

Nakahinga ako ng malalim dahil sa pagsulpot ni ate Juvy. Thanks for ate Juvy. She save me.

"Opo."sagot ko at umahon na kami."Let's go babies."

Tumango sila at sumunod. Pinalupot ko na rin ang mga towel sa kanilang katawan at ganun din ang ginawa ko sa aking sarili.

"Sige na Cams. Kami nang bahalang magbihis sa mga bata. Magbihis kana rin."ani ate Susan kasama si ate Juvy.

Tumango ako at ngumiti. Dumiretso na ako sa kwarto ko at doon na itinuloy ang pagliligo. Sa bawat pagbuhos ng tubig sa sahig ay ang mga ungol ko ang tanging naririnig ko. My goodness! Bakit ba laging sumasagi sa isipan ko ang walang saplot naming mga katawan ni Blaire at ang mga daing ko?

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now