Chapter 6

5.4K 106 2
                                    

Ngayon na ang araw nang aking pamamasukan sa kumpanya ni Rodjun bilang isang sekretarya niya. Kinakabahan ako at excited na rin dahil sa wakas ay may bagong trabaho na ako at matutulungan ko na ulit ang pamilya ko.

Katulad nang lagi kong sinusuot na uniform noong nagtatrabaho pa ako sa kumpanya ni Sir Blaire ay ito din ang susuotin ko sa kumpanya ni Rodjun. Wala naman kaso yon dahil pareho lang naman itong pang trabaho sa opisina.

Lumabas na ako sa aking kwarto ng matiyak ko nang maayos na ang itsura ko. Nakasabay ko pa si mama sa paglabas sa kanilang kwarto na katabi lang nang akin at halatang kakagising niya lang. Bali pinapagitnaan namin ang kwarto nila. Tatlo lang ang kwarto namin sa bahay at tabi-tabi pa ito. Yung akin, kay papa/mama, at kina Carlos/Carmela.

Pinagmasdan pa ako ni mama mula ulo hanggang paa nang mapansin ang suot ko."Oh, anak? Papasok ka na?"nakangiting tanong niya at halata ang napapaos na boses. Ngumiti ako at tumango sa kaniya.

"Opo, mama."magalang kong sagot saka ako lumapit sa kaniya para humalik sa kaniyang pisngi.

"Naku, hindi pa ako nakapagluto."aniya saka niya isinikop ang buong buhok niya para ipitin.

"Sa labas na lang po ako mag aalmusal, ma. Sila papa at ang dalawa na lang po ang ipagluto niyo."sagot ko, binuksan ko ang bag ko at kinuha doon ang wallet ko. I licked my lower lip with my tongue when I saw the contents of my wallet.. I only have 2,000 pesos in my wallet. Kinuha ko ang dalawang libong piso at inilahad ito sa harapan ni mama. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil sa pag iiba niya nang awra."Ma, tanggapin niyo na po ito. Pambaon na lang ng dalawa kong kapatid. Babawi ako kapag nakapagsahod na ulit ako."pagmamakaawa ko nang hindi niya ito tinanggap. Ganyan siya lagi, kapag bibigyan ko siya nang pera ay hindi niya tinatanggap. Maliban na lang kung walang-wala na talaga siyang pera.

Umiling-iling siya at hinawakan ang kamay kong may hawak na pera saka niya ito itinikom sa loob ng palad ko."Anak, sabi ko naman sa iyo ay wag mo na kaming alalahanin pa. May pera pa naman akong naitabi sa tindahan at yun na lang ang ibibigay ko sa dalawa mong kapatid. Ikaw, kakailanganin mo pa yan dahil nagtatrabaho ka at kapag nagutom ka ay iyan na ang gamitin mong pambili. Mamamasahe ka pa papunta sa tinatrabahuan mo at pauwi ulit dito. Dapat magtira ka rin nang para sa iyo, anak. Wag mong hayaan na lagi na lang kami ang iniisip mo, dalaga ka na at sa oras na nagkaroon ka na nang sarili mong pamilya ay magagamit mo pa iyon."hinaplos ni mama ang mukha ko, hinawakan ko ito at hinalikan.

"Wala pa naman sa plano ko ang pagkakaroon nang sariling pamilya, mama."natatawang sambit ko.

"Kahit na, anak. Mas mabuti na ang makasigurado kaysa ang pabigla-bigla na lang."seryoso pa rin ang mukha niya, napanguso ako at niyakap siya.

"Thank you, ma. You're the best mama in the whole world."bulong ko, tinapik-tapik niya nang mahina ang likod ko.

Nakarating ako nang safe sa kumpanya ni Rodjun. Maganda at malawak naman ito pero mas malaki at malawak pa rin naman ang Alcantara Corp.

Ayon kay Rodjun ay nasa 30th floor lang ito. Nasa 29 palapag ang opisina niya at pati na rin daw ang akin. Yung 30 palapag kasi ay rooftop na. Maari kang magpahangin doon at magpahinga kung nanaisin niya or nang mga visitors.

"Dito ang magiging opisina mo, Cams."turo ni Rodjun sa magiging opisina ko. As in sarili kong opisina. Wow! Malawak at maganda ito nang pumasok kami sa loob. May sarili na rin itong mga gamit na kakailanganin ko sa pagtatrabaho. Halatang bagong ayos ang ibang mga gamit dito at bagong kulay din ang dingding. Pure white, huh?

"Ako lang ba ang empleyadong nandito?"tanong ko sa kaniya, kanina pa kasi ako lumilingon sa buong paligid dito sa 29 palapag at halos dalawa lang ang nakikita kong room. Yung opisina niya at itong sa akin daw. Kami lang din dalawa ang magkasama dito.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon