Chapter 40

4.6K 81 11
                                    

"Wala na ba talagang chance na magbago pa ang isip mo?"seryosong tanong niya na nagpaamang sa akin.

What the hell?!

Natikom ko ang aking bibig. Umiinit na din ang aking mukha sa nararamdaman.

I sighed heavily and tried to calm my heart.

Matalim ko siyang tinignan sa huli.

"Wala kana bang konsiderasyon para sa sarili mo? Bakit ako magbabago ng isipan? Para ano? Para sayo magpakasal?"inis ko.

Paano niya nasasabi yan kung gayong magpapakasal na din siya. At gusto pa niya sa ibang bansa.

He nod. "If that you want too. Let's get married."pilyo siyang ngumisi.

Aba't loko! Hindi paglalaro ang isang kasalan para magpalit ulit ng bagong bride and groom. What the hell is wrong with him?

Marahas kong binawi ang kamay ko at buti nagawa ko iyon. Pumaymewang ako sa harapan niya at nandoon pa rin ang maloko niyang pagngisi.

"Wag kang ngingisi-ngisi ng ganyan kung ayaw mong mabungal sa mismong kasal mo."inis kong sambit na nagpaseryoso sa kaniyang mukha.

"Fine! But please, change your mind and let's get married, baby."marahan niyang sabi.

Natikom ang bibig ko at naramdaman ang pag iinit ng mukha ko. Damn! Bakit ako kinikilig? Hindi dapat. Hindi pwede.

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim bago ulit siya tinignan.

"Can you please stop? Ayokong magpakasal sayo dahil–"

"Hindi mo ako mahal?"he cut me off. "Is that so?"may pait sa kaniyang tono.

I bit my lower lip and nod. Kailangan ko ulit magsinungaling para matapos na ang kalokohang ito. Ayokong magkaroon siya ng panghahawakan sa oras na aminin kong mahal ko siya.

Sumikip ang dibdib ko sa sunud-sunod niyang pagtango. Marahan din siyang natawa pero bakit dama ko ang sakit doon?

"Okay, okay."aniya. "Mukhang ayaw mo talaga at ayoko na din magmukhang tanga pa sa kakapilit sayo. Nakakasakit lang sa ego na paulit-ulit mo na lang ako nire-reject. And this is the last time I asked you."

Tumungo ako dahil sa pagpatak ng isang butil sa mukha ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nasasaktan siya dahil naapakan ko ang ego niya? Yun lang ba ang dahilan ng lahat? Iniisip lang niya ang kapakanan ng ego niya.

Sunud-sunod na ang paglandas ng mga luha ko at hindi makapaniwalang tinitigan ko ulit siya.

"W-why? Niyayaya mo akong magpakasal sayo dahil naapakan ko ang ego mo? Bakit ako? Bakit hindi mo na lang ako tigilan kung yan lang din naman ang dahilan mo! Wala kang kwentang lalaki kung yan lang ang mas priority mo sa buhay. Ang babaw mo. Napakababaw ng dahilan mo para lang ipagpilitan akong pakasalanan ka."tumigil ako sandali dahil sa walang sawang paglandas ng mga luha sa aking mata.

Mahirap din magsalita dahil nasasapawan ang hininga ko.

"Samantalang ako hindi ko alam kung paano ka kalimutan at burahin sa sistema ko. Lagi na lang ikaw ang naiisip ko. Lagi mo na lang ginugulo ang puso't isipan ko."nanginging kong sambit, ayokong sumigaw.

Hindi siya nakaimik at tila nagulat.

"Hon,"bumaling ako kay Rodjun, puno ng pag aalala pa rin ang kaniyang mukha lalo na ng makita akong umiiyak. Umigting ang panga niya at galit na bumaling kay Blaire.

Agad akong nagpunas ng mukha at nilapitan si Rodjun. Ayokong humaba pa ang alitan sa gitna namin.

"Fuck you, Bro! Hanggang dito pa naman sa mismong pamamahay namin ay nanggugulo kapa rin?"sigaw ni Rodjun na nagpailing sa akin. Baka magkagulo lang.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now