Chapter 17

4.5K 99 1
                                    

Maaga kaming nagising ni Rodjun. Yes, dito din siya natulog kagabi. Hindi ko na pinauwi dahil gabing-gabi na rin baka mapano pa siya sa kalsada. Kargo konsensya ko pa. Isa pa, sa kaniya ang condo'ng ito kaya may karapatan siyang matulog dito kahit kailan pa niya gusto. Ako lang naman ang sampid dito.

"Uuwi ka ba ulit dito?"tanong niya habang nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatungo para ayusin ang sintas ng sapatos ko.

Naka high waist pants kasi ako at yellow crap top na may nakasulat pang'You're still the one.' sa may bandang dibdib ko at si Rodjun din ang bumili sa mga suot kong 'to. Hindi naman gaanong maliit ang damit sa akin, so pwede na rin pagtiyagaan.

'Ay tangek! Kaya nga crap top diba? Means maliit na damit yan. Yung litaw na pati kaluluwa–este pusod mo.'

Okay. Eh, ngayon lang po ako nakasuot ng ganiyan. Although nakikita ko naman sa iba, yun nga lang iba pa rin pag ako na nasuot. Ih! Hayaan na nga lang.

"Cams, you okay?"tanong ulit ni Rodjun na nakaupo na pala sa tabi ko, medyo napahaba yata ang nasa isip ko.

"Oo."ngiting pilit. Tapos ko na rin ayusin ang sarili ko at lumabas na kami ng condo. Napag isipan ko na rin na umuwi na lang muna sa bahay upang hindi na mag alala pa sila Mama sa akin. Alam kong hindi iyon makakatulog ng mahimbing kung alam niyang hindi ako okay.

Nakakaguilty lang. Siya ang nanay ko pero wala man lang akong ginawang explanation sa mga nangyayari sa akin at nakuha ko pang nakakapagsinungaling sa kanila.

Sana hindi nila ako husgahan kung malalaman man nila ang ginawa ko. At si Rodjun? Wala pa rin akong nakukuwento sa kaniya pero alam kong may duda na siya nung una niya akong nakita sa kalsada na naglalakad lang ng mag isa. Pero nirerespeto pa rin naman niya ako at tinulungan pa.

Ikaw ba naman ang maglakad sa kalsadang ganun ang itsura at panlalaki pa ang suot? Tapos yung lakad mo pa paika-ika, halatang nakagawa ng milagro. Hays! Sa tuwing naiisip ko iyon? Naiinis na lang ako sa sarili.

Paano kung magbunga ang ginawa namin? Ano na lang ang sasabihin ko sa lalaking yon?

'Ah, hello, Sir. Magandang umaga po. Buntis po ako. Hehe.'

Ay! Napakabaduy. Isa pa nga.

'Ahm. Sir, may sasabihin po sana ako sa inyo.' hingang malalim.

'Surprised! I'm pregnant and you're soon to be daddy. Yehey!!' palakpak pa.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga naiisip ko. Tss! Bahala na si batman. Kung magbunga man ang ginawa namin, sasabihin ko pa rin naman sa kaniya dahil may karapatan siyang malaman ang tungkol doon. Kahit na sinasabi niyang wala siyang alam sa nangyari.. But wait? Paanong walang alam? Eh, siya nga ang napakawild gumalaw sa aming dalawa. Pinigilan ko na nga siya. Pero anong ginawa niya? Tinuloy pa rin naman niya, diba?

Bwisit! Bakit ba dumudumi na naman ang inosente kong utak?

'Sis, hindi ka na inosente dahil ginawa niyo na ang—you know.'

Grrr! Kahit na. Ayoko na muling isipin pa iyon. A-Y-O-K-O na. Period!

"By the way, let's eat first."nabalik lang ako sa katinuan ng marinig kong nagsalita si Rodjun. Nakabiyahe na pala kami? Ang dami kasing maruruming pumapasok sa isipan ko.

"Uh, sige."nahihiyang sagot ko. Kasama ko siya pero lutang naman ang isip ko.

Bumaba na kami sa loob ng sasakyan at pumasok na sa isang mall na malapit na lang sa bahay namin.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon