Chapter 37

4K 74 1
                                    

"Y-yes.. I will marry you again."sabi ko at muling tumingin kay Blaire ngunit wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina.

I feel disappointed.

"Yes?"ulit ni Rodjun dahilan para makuha ulit niya ang aking atensyon.

I looked at him intently. He looks so happy and I don't want to ruin it.

He deserve to be happy.

Tumango ako at ngumiti. "Yes."I repeated.

Nagpalakpakan muli ang mga tao at naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking kamay. Pinasuot na niya sa akin ang singsing at hinalikan ito sa may bato.

Nakangiti kong pinagmasdan ang singsing sa kamay ko.

This is it. Makakasal ulit ako sa iisang lalaki. And that was Rodjun Ortega. My husband.

"I love you and when we get married I will take you to the altar."he said sincerely.

Isa iyon sa pangarap ko. Ang maikasal sa harapan ng altar.

Niyakap ko siya ng hindi nagsasalita. Tanging pag hikbi lang ang nagagawa ko.

"Hijo, siya na ba?"isang boses ng may edad na babae. Pagtingin ko ay may ngiting nakapaskil sa kaniyang manipis na labi.

Alam kong siya ang ina ni Rodjun dahil lagi ko siyang nakikita sa family picture na nasa opisina niya at sa bahay namin sa France.

She's beautiful like Ma'am Beatrice. Pansin ko din ang pagkakahawig nila dahil sa magkapatid silang dalawa.

Pinunasan ko ang mukha ko.

"Yes, Ma.. She is my wife Camille Ortega. Wife, meet my Mom in person."ani Rodjun.

Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin siyang batiin ng maayos. Pati ang ama at mga kapatid niya ay nakilala ko na rin sa personal. Tatlo lang sila at si Rodjun ang pangalawa. Ang bunso ay si Rochelle na nag iisang babae sa kanila.

Nakikinig lang ako sa kwento ni Rodjun habang nasa biyahe. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa kaniya at ang pagkakaayos ng kanilang pamilya sa isa't isa.

Pinagtulungan din nila ang problema about sa business. And he said it would be fine too soon.

"Hon, kamusta na ang mga anak natin?"nakangiting tanong niya habang nasa harapan ang atensyon.

I stiffened. Hindi kaagad ako nakareact at pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo sa mukha.

Ngayon ko lang naalala na may dapat pa pala akong sabihin sa kaniya.

Sinulyapan niya ako ng hindi kaagad ako nakasagot. Kumunot ang noo. "Are you okay? What's wrong?"nag aalalang tanong niya ng makita ang pamumutla ko.

Namamawis din ang mga kamay ko ng pagdikitan ko ito. Hindi muna kami pwedeng umuwi kina Mama hangga't hindi ko nasasabi ang totoo.

"S-stop the car.."nanghihina kong sambit.

Nagtataka ulit siyang lumingon sa akin. "Huh? Why?"

"I have something to say and .. You need to know that."I bit my lower lip.

Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago tumango at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada, malapit na sa bahay nila Mama ito.

"What is it?"seryosong tanong niya.

Kinabahan nanaman ako.

Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang itago ang lahat sa kaniya. He needs to know everything.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now