Chapter 19

4.5K 100 8
                                    

Nagising ako dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko. Mabilis akong nagtungo sa loob ng cr at yumuko para magsuka sa inidoro. Halos mamilipit na ako sa sakit dahil wala namang lumalabas kundi tubig lang.

Kahapon pa ako ganito. Tapos mahihilo at mabilis mapagod.

Naghilamos na ako ng maging ayos na ang pakiramdam ko at saka ako lumabas ng kwarto para tulungan si mama sa paghahanda ng agahan.

"Magandang umaga po, Ma."bati ko ng makita ko si Mama na nakatalikod sa akin habang nagluluto.

Nakangiti siyang humarap sa akin."Magandang umga din sayo, anak."bati niyang pabalik.

Naglakad ako patungo sa kaniya upang mahalikan siya pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kinaroroonan niya ng may maamoy akong mabaho.

Inipit ko ang ilong ko gamit ang hinlalaki at hintuturo ko habang napapangiwi pa.

"Bakit ang baho."napapangiwing sambit ko. Nagtataka naman siyang humarap sa akin.

"Huh? Anong mabaho? Wala naman."aniya.

I shook my head."Mabaho po talaga, Ma."depensa ko.

"Gutom lang yan, Camille. Maupo ka na lang muna diyan dahil ipinagluto ko kayo ng paborito ninyong ulam."masayang sambit niya.

Sinunod ko na lang siya at naupo na. Nakaipit pa rin ang ilong ko dahil pakiramdam ko ang baho pa rin.

"Oh, bakit nakaipit pa rin ang ilong mo? Hindi naman mabaho ah. Ang bango kaya ng niluluto ko."sabi ni Mama at saka niya inilapag ang bowl na may lamang mainit na ulam. Bigla naman nag ingay ang tiyan ko ng makita ko na ang nilutong pagkain ni Mama.

It was adobong manok, our favorites! Napangiti ako at inalis na ang kamay ko sa nakaipit kong ilong.

"Uwk!"pagduwal ko."Uwk!"agad akong tumayo at mabilis na tumakbo papuntang lababo.

"Camille, anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?"tanong ni Mama ng makalapit siya sa akin. Hinagod niya ang likuran ng wala pa ring tigil ang pagduduwal ko.

Mangiyak-iyak na rin ako dahil sa sobrang hirap. Ang pait pa nang lasa ng tubig na nilalabas ko.

"Ma, ano bang nilagay niyo sa niluto niyo? Bakit ang baho?"tanong ko habang naghihilamos.

Napatigil naman si Mama sa paghagod ng likod ko."Buntis ka."aniya na ikinalingon ko.

"P-po? Paano po ninyo nalaman—"

"Buntis ka na, anak, dahil ganiyan na ganiyan ako ng ipagbuntis kita."bakas ang tuwa sa boses niya. Hindi ko alam pero napahimas na ako sa tiyan ko at napangiti.

"Buntis ako."bulong ko.

"Kaya pala nababahuan ka sa niluluto ko, yun pala'y may laman na ang tiyan mo."natutuwang sambit ni Mama.

Bigla akong napaiyak. Hindi dahil sa ayaw ko. Kundi dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ko. Ni-wala akong pagsisising naramdaman.

Ganito pala sa pakiramdam ang malamang buntis ka? May laman na ang tiyan ko at kapag nagtagal pa ay magiging buo na siya sa sinapupunan ko.

Pinapangako ko magiging mabuting ina ako para sa anak ko, tulad ni Mama.

"Talaga?! Hala! Ninang ako ah? Ninang ako. Wag mo kong kalimutang ilista."pangungulit ni Jinky. Natatawa na lang kaming dalawa ni Trina sa kaingayan niya.

"Jusmiyo! Nagbunga na ang isang gabing puno ng init."nanggigigil na sambit ni Trina na nasa tabi ko.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Paano na lang kung hindi kami nag ano ni Sir Blaire nung gabing iyon? May mabubuo pa kaya?

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon