Chapter 5

5.8K 105 2
                                    

Days passed when I decided to just leave Alcantara Corp. Alam kong duon din naman ang patutunguhan ko dahil sa nagawa at nasabi ko kay Sir Blaire.

Ngunit natatakot pa rin ako sa maaari niyang gawin sa akin or sa pamilya ko. Alam kong hindi siya basta-bastang magchi-chill na lang sa loob ng kaniyang opisina. Baka nga may plano na siya para sa pagkitil nang buhay ko eh. Pero lord, wag naman po sanang mangyari iyon. Ako na lang po ang inaasahan nila mama at papa. Nagsisisi na ako huhu Nagtataka na nga sila mama kung bakit raw hindi ako pumapasok sa trabaho. Wala naman akong alam isagot sa kanila baka mag-alala pa sila kapag sinabi ko ang totoo sa kanila.

Napalingon ako sa tumutunog kong phone na nasa itaas ng kama. Nakatayo kasi ako at nakasandal sa saradong pintuan ng aking kwarto habang iniisip ang maaring gawin sa akin ni Sir Blaire.

Naglakad ako at kinuha ang phone. Bumungad sa akin ang pangalan ni Jinky sa screen. Nung isang araw ko pa siya tinatawagan ngunit hindi man siya sumasagot. Si Trina din. Kinakabahan na ako para sa kanila dahil sa ginawa nilang pagsama sa aming dalawa ni Bella. Hays! Kamusta na kaya yung mestisang babaeng 'yon? Hindi ko rin maiwasan ang hindi siya maalala dahil tumatak na sa isip ko ang mga nangyari.

"Hello?"bungad ko sa kabilang linya.

[Daiii!]napangiwi ako at inilayo ng konti ang phone sa tenga ko nang marinig ko na ang napakatalas niyang boses.

"Ang sakit mo sa tenga, Jinks."reklamo ko.

[I'm sorry kung ngayon lang ako nakatawag, dai. Sobra kasi ang pagod naming dalawa ni Trina sa mga nakalipas na araw.]halata nga sa kanyang boses. Pero ano ang dahilan?

"Bakit ba?"kuryosong tanong ko. Matagal bago siya nakasagot.

[Eh, pinarusahan kami ni, Sir Blaire. Akala nga namin matatanggal na kami sa trabaho. Pero laking pasasalamat namin nung pinagbigyan niya pa kami, yun nga lang ay may kapalit na mahaba-habang trabaho at super duper ang kapaguran namin, dai..]bumuntong hininga siya.

"Ano bang pinagawa niya sa inyo?"umupo ako sa edge nang kama ko.

[Pinaglinis niya kami nang lahat na maruruming cr at magdamag namin iyon ginawa ni, Trina. The next day, ang buong company naman ang nilinis namin at umabot na lang kami ng 1:00 am. The next day ulet, pinagawa niya sa amin ang lahat nang trabahong naiwan mo sa mesa. Pero hindi sa loob ng kumpanya..]paliwanag niya at pinutol pa niya ang sasabihin. Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng guilt para sa kanilang dalawa ni Trina. Kung hindi sana ako nagpatulong sa kanila ay baka maayos pa silang nakapagtrabaho.[Inday.. Feeling ko ang itim-itim ko na.]aniya na nahihimigan sa kaniyang boses ang inis.

"Bakit?"

[Kasi sa labas kami nagtrabaho nang dalawang araw para matapos lang ang dapat na trabaho mo. Jusko dai! Tirik na tirik talaga ang araw habang ginagawa namin ang mga pinapagawa niya sa amin.]

Bigla ko tuloy na-imagine ang kanilang mga kutis ngayon. Maputi naman si Jinky at para siyang may lahing hapon dahil sa itsura niya pero siguro ay umitim na siya ng bahagya ngayon. Si Trina naman ay mala morena ang kulay katulad nang akin pero bagay naman sa kanya ang kulay niya. Hindi ko nga lang alam ngayon kung ano na ang naging itsura ng kaniyang balat. Baka umitim na siya na tila isang baluga.

"Pasensiya na kayo, Jinks, kung nangyari sa inyo yan na dapat ay sa'kin."malungkot kong sagot. Tumawa siya nang bahagya ng mabosesan niya ako.

[Nu kaba, dai? Okay lang yun. Kaysa naman ikaw ang parusahan ng walang pusong president na iyon. Mas mabuti na yung kami na ang sumalo sa lahat ng pahirap na dadanasin mo sa kanya kaysa ang hayaan lang namin kitang naghihirap mag isa. Sayang ang ganda mo kung masusunog ka lang din naman sa init.]sumabay na rin ako sa pagtawa sa kaniya.

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon