Chapter 47

8.2K 114 48
                                    

Iniba ko po ang ilan scenes dito dahil mag iiba na ang kwento ni Rodjun at wala na po yung kay Andeng.

***

Rodjun's Pov:

'Standin' by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all

Ito na siguro ang pinakamasakit na naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ang makitang naglalakad sa aisle ang unang babaeng minahal ko ng lubos habang may suot na magarbong wedding gown at may hawak na bulaklak. Sa tabi niya ay ang pinakamamahal niyang ama na nagsisilbing taga hatid niya para sa lalaking mamahalin niya sa pang habang buhay. Kung iisipin ay tila sa akin siya ikakasal dahil pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin habang may malawak na ngisi. Pero alam ko naman sa aking sarili na hindi na ako ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Sabi ko nga.. Baka hindi kami ang tinadhana sa huli. Hindi siya ang babaeng para sa akin kaya kailangan ko na siyang i-let go.

Time won't let me keep
These sad thoughts to myself
I'd just like to let you know
I wish I never let you go

Mahal ko siya ngunit kailangan ko pa ring magpaubaya dahil alam kong sa iba siya mas sasaya. At walang iba kundi kay Blaire Alcanatara lang, my cousin. Mahal ko silang pareho at wala akong igi-give kundi ang pakawalan ang taong mahal ko ngunit mahal na din ng pinsan ko.

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you

Masakit sa akin ang mawalan lalo na kung napamahal na siya ng tuluyan sa akin. Si Camille ang lakas at kahinaan ko noon, hanggang ngayon pa rin. Pero ito na rin siguro ang time upang palayain na ang sarili ko sa kalungkutan. Makakahanap pa rin naman ako pero hindi na muna sa ngayon. Hahanapin ko muna ang sariling kaligayahan at iyon ay ang mabigyan ng oras ang pamilya ko at ang aking company.

And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still I will love you

Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng makita ko silang huminto sa may harapan ko. Hindi ko maintindihan ngunit umaapaw ang saya sa puso ko, makita ko lang siyang nakangiti ay buo na naman ang araw ko. Iyon ang tunay na saya. Kakaiba sa nangyaring kasalan sa amin ngunit kaagad din naudlot. Akala ko nga umiiyak siya dahil sa tuwa. But I was wrong.

Alam kong mahal na niya si Blaire nung una, ayoko lang ipahalata dahil mas lalo lang akong kinakain ng takot na baka sa isang iglap lang ay mawala na siya sa akin.

At iyon nga ang nangyari. Sobra akong naguluhan, nanghina, nalungkot, lahat-lahat ay naramdaman ko na nung tumakbo siya upang piliin si Blaire kaysa sa akin. Pero ni isang galit ay hindi ko ginawa sa kaniya dahil mas umaapaw ang pagmamahal ko kay Camille. Unti-unti ko din naman tinanggap na wala na talagang pag asa pa. Masakit nung pinagtabuyan niya ako palayo upang hindi na raw kami muling magkalapit pero pinili ko pa rin ang manatili sa kaniyang tabi dahil sa kalagayan niya noon. Nabuntis na naman siya ni Blaire sa ikalawang pagkakataon.

Kahit alam kong mas masasaktan ako ay hindi pa rin ako sumukong suyuin siya at alagaan sila habang wala si Blaire. Ako muna ulit ang tumayong ama nila Cahlix at Scarlet na hindi naman nila tinanggihan. Nangungulila na sila sa sariling ama at lagi nilang tinatanong sa akin si Blaire. Wala naman akong masagot sa kanila dahil simula nung mag ibang bansa si Blaire at Kaorine ay hindi na ako nakibalita pa.

Nagalit lang ako kay Blaire noon dahil sa panggagago niya sa akin.
Sa sobrang galit ko ay sinugod ko siya sa sarili niyang bahay at pinagsusuntok siya. Isang beses lang niya akong nasuntok. Hindi ko alam kung ayaw niya lang akong mapuruhan dahil hindi na ulit siya nanlaban.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now