Chapter 1

10K 151 4
                                    

Prologue

"Buntis ako."nakayukong wika ko sa lalaking nakaupo lang sa kanyang swivel chair.

"So anong gusto mong sabihin? Na akin yang batang dinadala mo? Oh, come on, Cams. I'm not stupid para akuin yan."mula sa matigas nyang tugon, para akong binagsakan ng langit at lupa. Alam kong ganito na ang mangyayari pero sinubukan ko pa rin dahil ayokong ipagkait sa magiging anak ko ang walang tinatayong ama.

Mula sa nakayuko kong ulo ay tiningala ko ito para makita sya."S-sir, Ikaw lang po ang lalaking naka.. siping ko."bulong ko, desperada na akong desperada pero iyon ang totoo.

Natawa sya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko."Really?"mapang uyam nyang tanong sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko. Niyakap ko ang sarili ko upang itago ang katawan ko.
"Well, halata ngang ako pa lang ang nakauna sayo kahit wala akong ka-alam-alam sa nangyari nung GABING iyon, right?"pang-eemphasize pa nya sa words na gabi. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko."Pero hindi ibig sabihin na ako ang naka una sayo ay ako na rin ang ama nang batang dinadala mo. Don't fool me, Camille Tuazon. Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin kita or kayo nang batang yan."duro nya sa aking tiyan.

Nanigas ang buong katawan ko at ang mukha ko naman ay parang yelong nanlalamig nang marinig ko mula sa kanyang nakakatakot na boses ang pagbabanta sa buhay ko o sa buhay naming dalawa ng magiging anak ko.

***

Ang kwentong aking gagawin ay hindi ko kailan man ginaya. Kung may paghahalintulad man ito sa ibang kwento ay wala na po akong kasalanan doon. Ginawa ko ito base sa mga pumapasok sa aking isipan at never po akong magka-copy paste sa ibang story dahil nirerespeto ko ang ibang author na nagtitiyagang mag-isip para lang may ma-update sa kanilang kwento. I salute all of the writers.☺️

Ma-aaprecite ko po kayo kung kayo'y susuporta sa akin. Kung hindi naman ay ayos lang.

Thank you po and always keepsafe.😷😘

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now