Chapter 7

5.1K 110 5
                                    

Tatlong araw na ang lumipas nang magsimula na akong magtrabaho sa kumpanya nila Rodjun. May mga pinapagawa na rin siya sa akin as a secretary niya. Minsan tumatawag rin sa akin sila Trina at Jinky para mangamusta at sabihin na namimiss na nila ako. Syempre namimiss ko na rin sila, lalo na ang kanilang kakulitan. Nag aya nga silang lumabas nung isang araw pero may ginagawa pa ako. Kapag free ko na lang ay sasamahan ko sila.

Hindi pa rin na apruba ang resignation letter ko sa Alcantara Corp nila Sir Blaire hanggang ngayon. Galit pa rin daw siya pero hanggang ngayon ay buhay pa ako. Mukhang nakausap na siya nang masinsinan ni Rodjun upang hindi ako mapahamak. Ganun naman kasi si Sir Blaire, makagawa ka lang nang kasalanan ay tatanggalin ka na sa trabaho or kapag trip ka niyang patayin ay gagawin niya nang walang pang-aalinlangan.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay sweldo ko na. Pumunta ako sa glocery kasama ang bunso kong kapatid na si Carmela para bumili nang mga paninda ni mama. Malaki rin ang naging sweldo ko sa kumpanya nila Rodjun.

"Ate, madami na ito."wika ni Carmela, tinutukoy niya ang mga dala niyang mga iba't ibang chichirya, biscuits, candies na nakasakay sa pushcart. Ako naman ang kumukuha sa mga delata, toyo, patis, at iba pang mga pang seasonings na nakalagay sa panibagong pushcart na hawak ko.

"Okay, punta na tayo sa cashier."aya ko sa kaniya at tinulak na ang mga dala naming pushcarts. Buti na lang wala nang nakapila kaya mabilis kaming nakapagcheck sa cashier.

Nang matapos ay nagbayad na ako nang halagang apat na libo at limang daan sa cashier. Naka kahon na ang mga babasagin. Yung mga chichirya, biscuits at iba ay naka paloob na sa transparent na plastic. May tumulong na trabahador sa amin sa pagbubuhat nang mga pinamili namin.

"Kuya, dito na lang oh."sabi ko sa lalaking bitbit ang kahon. Binaba naman niya ito sa gilid nang kalsada para mapabilis ang pagsakay namin nang jeep.

"Salamat po."wika ni Carmela sa kaniya.

"Sige po, Ma'am, mag iingat po kayo."ani kuya.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya at may kinuhang isang daan sa wallet ko."Heto oh, pang miryenda niyo."nilahad ko ang pera sa harapan niya.

Napakamot pa siya sa kaniyang ulo na tila'y nahihiya pa pero kalaunan ay kinuha niya rin ito sa akin."Salamat dito, Ma'am. Malaking tulong niyo na po ito sa akin."magalang niyang wika.

"Bayad ko na po iyan sa pagtulong niyo sa amin."sagot ko, ngumiti naman siya atsaka na siya nagpaalam.

Kita ko kung gaano siya kasaya nang nasa malayo na siya sa amin habang tinititigan ang bigay kong isang daan sa kaniya.

"Ang bait niyo po talaga kahit sa ibang tao, ate."nabaling ang atensiyon ko kay Carmela nang magsalita siya. Kanina pa pala niya akong pinagmamasdan dito.

Ngumiti ako atsaka ko ulit sinulyapan nang isang beses ang dinaan kanina ni Kuyang tumulong sa amin.

"Syempre, gusto kong makatulong sa mga kapwa natin mahihirap. Tignan mo nga yung sayang nasa mukha ni kuya kanina, halos gusto mo na siyang maipinta dahil sa tuwa nang makatanggap siya nang maliit na tulong mula sa kapwa din niyang mahirap."paliwanag ko sa kaniya, nanatili lang siyang nakikinig sa akin."Kaya ikaw.. Kayo ni kuya Carlo mo ay dapat matuto din kayong mapagbigay sa kapwa natin. Alam natin kung gaano kahirap ang walang makain diba?"malumanay na tanong ko.

"Opo, ate."sagot niyang may ngiti sa kaniyang labi.

"Wag na wag kayong maging mapagmataas sa kapwa kung nakakaangat man tayo sa kanila nang konte. Dahil hindi tayo tinuruan nila papa at mama na maging maramot sa kapwa nating mahirap. Tignan mo, may trabaho ako ngayon at malaki pa ang sahod ko, dahil iyon ang naging kapalit ni lord sa lahat nang kabutihang ibinibigay natin sa kapwa."

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now