Chapter 41

4K 81 13
                                    

Lulan kami ng sasakyan ni Cheska at siya na rin ang nag insist na ihatid ako sa airport. 9:45 A.M palang at tinext ako ni Carmela na saktong 10:00 A.M daw ang alis nila Blaire patungong Italy. Iyon ang sabi nila Cahlix sa kanya.

"Pakibilis, Cheska."pagmamadali ko sa nagmamanehong si Cheska. Medyo tumila na rin ang mga luha ko at ramdam na ramdam ko na ang pamamaga ng aking mata.

"Ay, heto na nga po.. Gusto ko na ngang paliparin ang sasakyan ko ng mapigilan mo na ang iyong groom sa paglipad sa ibang bansa. Hays! Nakakalerkey kayo, dai!"irap niya. Gusto kong matawa pero hindi pa tapos ang pagsubok na ito. Tsaka na kapag nakita at nakasama ko na si Blaire.

Hindi ako mapakali. Baka mahuli na ako sa pagdating at hindi ko na maabutan si Blaire. Natatakot ako. Kung kailan narealize ko na ang lahat ay doon pa ako maiiwan. Yun ang pinagsisisihan ko, ang pagtaboy sa kaniya ng paulit ulit at sa huli ako din ang maghahabol.

Mabilis akong lumabas sa sasakyan kahit hindi pa nakakapagpark ng maayos si Cheska. I'm on still wearing my wedding gown kaya naman marami ang napapatingin sa akin.

"Oh my gosh, dai!"frustration'ng tili ni Cheska ng makita akong muntik ng madapa. Buti napahawak ako sa railings ng hagdan. Pinakalma ko ang sarili at hindi ininda kung madadapa ako ng tuluyan. Masyadong mabigat ang gown ko upang tumakbo. Nakahawak ako sa magkabilang side ng gown at tinaas ang dulo nito upang walang sagabal sa pagtakbo ko.

"Ma'am, hindi po ito ang church."nagtagis ang bagang ko sa sinambit ng guard at sa pagpigil niya sa aking makapasok. Narinig ko ang mga tawanan ng mga nakarinig at nakakita sa amin.

Matalim kong tinignan si Manong Guard at pinigilan na wag makasapak ngayon.

"Manong, please, hindi ngayon ang oras ng asaran, okay? I'm here to stop my.. fiance."mahinahon kong sagot at kumalabog ng mabilis ang aking puso sa huli kong tinuran.

My fiance? I smiled.

"Ah ganon ho ba? Naku Ma'am, kung ako sayo wag mo na siyang habulin pa. Ikaw lang din ang mapapahiya."

What the hell?!

"Mas mapapahiya ka kung hindi mo ako titigilan, Manong. Kaya please lang paraanin niyo po ako."baka masapak na kita.

"Sige po. Goodluck na lang ho sa inyo."nakangisi niyang sambit bago ako binigyang espasyo upang makadaan.

Hindi ko na siya binigyang pansin at mabilis na kumaripas ng takbo. Marami nanaman ang mga matang nagtataka kung bakit ako nandito at nakagown pa. Pero wala akong panahon upang magpaliwanag isa-isa sa kanila. Ang gusto ko lang ay mahabol at mapigilan si Blaire. Hindi ko lang alam kung saan ko siya makikita dahil masyadong malaki at malawak ang airport na ito. Marami din ang mga taong nagsikalat.

Blaire, where are you?

Tanong ko sa sariling isipan. Nanginginig na rin ako sa kaba dahil sa kawalan ng pag asang makita siya.

Lumandas na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para akong tinakasan ng bait. Lumapit ako sa mga lalaking nag aasist ng mga bagahe upang magtanong kung nakaalis na ba ang pang 10 A.M na airplane.

"S-sir, may mga nakaalis na po bang airplane?"kahit nanginginig ang tono ng aking boses ay kinaya ko.

Nagulat sila ng makita akong umiiyak at sa itsura ko ngayon. Nagkatitigan silang dalawa ng kaniyang kasama. Pareho silang may suot na puting damit at black pants.

"Meron na po, Ma'am."sagot ng isa.

Kinabahan ako sa isipang baka ang airplane nila Blaire ang nakaalis na.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now