Chapter 18

4.5K 84 4
                                    

It's been a week since I came home. Naging mas matatag ako dahil sa pamilyang lagi lang nasa tabi ko. Akala ko magiging big deal sa kanila ang pagiging pabaya ko sa sarili dahil sa pagkawala ng iniingatan kong pagkababae. Ngunit mas lalo lang nila akong pinagkatiwalaan at minahal.

Dumadalaw din naman minsan si Rodjun sa bahay. Nagiging close na rin niya ang pamilya ko lalo na si Papa at Carlo. Usapan lalaki kasi iyon.

Sila Trina at Jinky naman ay nakakausap ko din sa phone. Wala pa rin silang alam sa nangyari sa aming dalawa ni Sir Blaire. Pero balak ko din naman silang kausapin tungkol doon, humahanap lang ako ng tamang tiyempo. At si Sir blaire? Hindi ko alam kung ano na ang binabalak niya. Hindi naman ako judgemental..slight lang siguro.

Kung may balak man siyang gawan ako ng masama, edi sana noon pa man diba? But until now? Here I am, I'm still alive. My family and I are still alive.

"Goodmorning!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa taong ke-aga-aga'y nambubulabog na.

"Kuya Rodj!"sigaw ni Carmela ng makita si Rodjun. Nasa kusina kasi kami, nag aagahan.

"Yow! Wazzup, little girl!"bati ni Rodjun at ginulo ang buhok ng kapatid ko. Ang hilig talaga niyang manggulo ng buhok.

"Kuya naman eh. Kakasuklay ko lang po dito."nakangusong ani Carmela at sabay alis sa kamay ni Rodjun.

Natawa naman kami.

"Magandang umaga din sayo, Rodj. Halika't umupo nang makakain ka na rin."aya ni Mama sa kaniya.

"Salamat po, tita."magalang niyang sagot. Napatingin pa siya sa akin at ngumiti, ganun din ang ginawa ko. Lumapit siya dito at saka ako hinalikan sa pisngi. Oo, ganiyan lagi ang ginagawa niya kahit nasa harapan kami ng pamilya ko. Nasanay na rin naman sila Mama sa kasweet-an ng lalaking 'to.

Akala nga nila nung una may relasyon kaming dalawa ngunit agad ko din iyon pinaliwanag sa kanila. Kaya lang medyo hindi ko sila makumbinse dahil panay ang pang aasar ng dalawa kong kapatid sa akin.

"Kuya, dito ka na po maupo para tabi kayo ni ate.."sabi ni Carlo at lumipat nga sa tabi ni Carmela.

"Sure."masiglang sagot niya at umupo na nga sa tabi ko.

"Ayieehh. Si ate namumula."ayan na naman ang pang aasar nila.

I rolled my eyes and did not listen to them.

"Kunwari ka pang walang naririnig."ani Papa sa natatawang boses. Pinanlakihan ko lang sila ng mga mata.

"Ayy ang cute ni ate. Parang kamatis. Hahahaha"asar ni Carlo na dinatungan pa nila Papa at Carmela. Ang katabi ko ay tawa lang ng tawa pati si Mama.

Gusto ko silang pag untugin sa ulo. Alam niyo yon? Pero syempre joke lang. Ayokong makasakit. Mas okay na yung ako yung laging sinasaktan kaysa ako ang laging nananakit.

'Wow! Humuhugot ka, teh? Anong pinaglalaban mo? Hahaha Kalerkey!'

"Kuya Rodj, diba po sabi niyo wala kayong girlfriend?"natigilan ako sa pagkain ng marinig ko ang tanong ni Carmela kay Rodjun.

"Carmela!"paninita ko sa kaniya ngunit nginitian lang niya ako at humarap ulit kay Rodjun.

Aba't pangiti-ngiti lang siya. Dati naman siyang takot sa akin. Tss!

"Oo nga po, kuya. Ano po bang gusto niyo sa isang babae?"sabat naman ni Carlo. Ayy reporter? Reporter?

Dinig ko ang pagtawa ni Rodjun sa tabi ko, nilingon ko siya at tinitigan ng masama. Parang hindi ko man siya natakot dahil nagkibit balikat lang siya.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now