Chapter 31

4.1K 69 3
                                    

Dalawang buwan na ang itinagal namin sa sariling mansion ni Blaire. At nakapagsimula na rin sa unang pasukan ang kambal. Si Blaire ang naghahatid sa kanila kapag umaga at sinusundo ko naman sila sa tanghali. May mga araw din na sabay namin silang hinahatid at sinusundo sa paaralan kapag day off niya sa trabaho. Natutuwa ang mga bata sa ganon pero mas natutuwa akong makita silang masaya.

"Daddy.."tawag ni Cahlix sa kaniyang ama ng makapasok sa back seat kasama si Scarlet. Ako ang kumuha sa kanila sa loob ng room habang si Blaire ay tamang hintay lang sa loob ng sasakyan.

Pumasok ako sa passenger seat at nagkatinginan pa kami ng ilang sandali ni Blaire. Bumaling siya sa mga bata ng may malawak na ngiti sa kaniyang labi.

Sa loob ng dalawang buwan na pananatili namin sa puder niya ay unti-unti kong nakikita ang totoong tuwa sa kaniyang mukha.

"What is it, Cahlix?"malambing niyang tanong. Lumapit si Cahlix at hinalikan ang magkabilang pisngi ng kaniyang ama at ganoon din ang ginawa ni Scarlet. Gulat ngunit kalaunan ay napahalakhak din siya.

I smiled as I stared at them. They are very sweet to watch

"Daddy, I got two stars po for today."balita ni Scarlet na punong-puno ng saya habang pinapakita ang dalawang kamay na may tatak na star. Pinakita din niya iyon sa akin kanina, same as Cahlix. Masasabi kong matatalino sila at sa kanilang ama nila iyon namana.

"Wow! Very good, baby."Blaire said and gently tapped the head of Scarlet.

"Me too, daddy."si Cahlix.

Puno ng tawanan ang namuo sa loob ng sasakyan. Ganito lagi kami na tila isang masayang pamilya. Blaire is treating me well now.. Hindi ko alam kung bakit ang gaan sa pakiramdam na unti unti kaming nagkakamabutihang dalawa.

Yung tipong hindi ko na maramdaman ang takot sa kaniya sa tuwing malapit siya sa akin. Hindi tulad nung dati. Laging mainitin ang ulo at sa akin lahat ibinubuntong ang galit. But now, I think I'm more comfortable for his presences. And I really like it.

Pero may kaba pa rin sa dibdib ko, baka paggising ko bukas ay magbago ulit ang pakikitungo niya sa akin. Ayokong bumalik siya sa dati. Sa dating demonyong Blaire, walang kinakaawaan. Walang pakealam sa iba, ang tanging kilala lang niya ay ang sarili.

Naninikip ang dibdib ko. Baka sa sobrang tuwa sa pagkakaalam na hindi na niya ako sinasaktan ay mahulog na ang loob ko sa kaniya, kahit alam kong bawal. Bawal, because I have a husband and he is have a girlfriend, too. Na pareho naming pinagtataksilan hanggang ngayon.

Lumaki akong malapit sa Diyos at may takot, ngunit sa bawat paglipas ng araw ay tila hindi ko na makilala ang panginoon dahil sa mga nagawang kasalanan. Nagi-guilty ako at walang araw na hindi ko iyon pinagsisisihan. Ang pagtaksil sa asawa ay isang malaking pagkakasala sa Diyos. Kahit hindi kami sa altar ikinasal ni Rodjun pero sa puso't isip pa rin namin ay nandoon pa rin ang Diyos.

I want to say sorry for Rodjun.. I love him but when I'm with Blaire, lahat ay nag iiba. Hindi ko na gaanong hinahanap ang presensiya ni Rodjun o hinihintay ang pagtawag niya gabi gabi, ganun din ang mga bata.

Yes, tumawag na si Rodjun at mag iisang linggo na kaming magkausap sa phone. Panay ang hingi niya ng sorry sa akin at sa mga bata dahil sa hindi niya pagtawag ng ilang linggo sa amin at pag uwi. Pero mas gusto kong humingi ng sorry sa kataksilan at kasinungalingang ginawa ko. Hanggang ngayon wala pa rin siyang kaalam-alam na nandito kami sa mismong puder ni Blaire at alam na rin ng mga bata na hindi siya ang biological father nila.

Ilang beses ko na rin gustong subukan ang pagkakataon na sabihin na ang totoo, ngunit nangingibabaw ang sakit at kaba sa aking puso para sa kaniya.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now