Chapter 9

4.6K 97 7
                                    

"Clean my room!"

"Oh sh*t! What the fuck did you do to my laptop?!"

"Make me some coffee, Miss Tuazon!"

"Are you stupid?! I said, give me a lunch.."

"Get out!!"

Sa loob nang isang linggong pananatili ko sa mansiyon ay tila naging impyerno na ang buhay ko. Hindi ko akalain na magiging mahirap pala ang trabaho ko dito. Ni wala akong magawa sa tuwing sinisigawan niya ako. Gusto kong umuwi at umalis na lang. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa pamilya ko. Wala pa rin kasi ang cellphone ko dahil ayaw ibigay ni Sir Blaire sa akin. Baka daw lumandi lang ako. Paano ako lalandi kung wala naman akong kalandian?

Yun ba ang tingin niya sa akin? Ang maglandi lang? Ni wala pa nga akong nagiging boyfriend, eh. Wala naman din akong ka-alam-alam sa paglandi.

Napakadumi nang kaniyang utak! Nakakainis siya.

Napalingon ako sa biglaang pagbukas ng aking pintuan sa kwarto at ang malalaking hakbang ni Alwina ang palapit sa akin.

Walang sabi-sabing hinagis niya ang maruruming damit na dala-dala niya sa akin. Tumama lahat ito sa mukha ko. Naiinis na ako sa babaeng 'to, lagi na lang niya akong kinakawawa sa tuwing may pinag uutos sa kaniya si Sir Blaire. At sa akin ibibigay ang mga gawain niya.

"Labhan mo raw yan sabi ni, Sir!"utos niya.

Piling señorita siya kapag kami lang dalawa ang magkasama. Gusto ko siyang ireklamo ngunit baka baligtarin niya lang ang kwento. Paawa effect kasi siya kapag nandiyan si Sir Blaire at mukhang nagpapacute pa para mapansin lang siya.

Hindi na lang ako nagreklamo at tahimik kong pinulot ang mga damit ni... Wait? Hindi naman kay Sir Blaire ang mga 'to ah? Tumingala ako sa kaniya dahil naka upo na ako at siya naman ay nakatayo lang sa harapan ko habang nakapamaywang siyang nakatitig sa akin. Tinaas niya rin ang isa niyang kilay.

"Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan? Maglaba ka na."aniya sa naiiritang boses.

Kinalma ko ang sarili ko at tumango nang dahan-dahan. Ayokong makipag away sa mga taong kagaya niya.

"Very good."sarkastikong aniya. Tumayo na ako at nilagay sa isang basket ang lahat nang maruruming damit. Kung labhan ko na rin kaya siya? Para naman malinis na ang ugali niya.

Ang akala ko ay tuluyan na siyang lumabas."Pakilabhan yan nang maayos ah.. Downy mo na rin para mabango. Bye poor slave."pahabol niya atsaka na siya umalis nang may nakakalokong tawa.

Bumagsak ang mga balikat ko. Lumabas na ako at bumaba para pumunta sa may labahan. Malawak at kumpleto ang mga gamit nila dito.

Bigla kong naisip na hindi nga pala ako pwedeng gumamit nang washing machine sa tuwing maglalaba ako. Kaya sariling mga kamay ko ang ginagamit kong pangkusot sa mga damit na nilalabhan ko. Buti na lang talaga at tinuruan na ako ni mama sa lahat nang gawaing bahay.

"Cams, kanino ang mga yan?"tanong ni ate Juvy sa mga damit na nilalabhan ko.

"Ah. Sa akin po, ate."pagsisinungaling ko. Ayoko nang gulo kaya ako na ang umiiwas.

Sinusuri niya ako habang nagkukusot. Lumapit pa siya at kinuha ang mga naka basket na damit ni Alwina.

Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang mga iyon mula sa mga kamay niya ngunit huli na nang malaman na niya ang sagot.

"Sinasabi ko na nga ba, eh. Sa malditang Alwina lang ang mga ito, Cams. Bakit hinahayaan mo lang na gawin ka niyang utus-utusan? Alam mo bang si, Sir, lang ang may karapatang utusan ka?"aniya sa naiinis na boses, pinipigilan ko siya pero matigas siya. Napapatingin na rin ang ibang nandidito.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now