Chapter 26

4.6K 83 1
                                    

"I'm sorry Mr. and Mrs. Ortega, masyadong makapit ang kapangyarihan ng mga Alcantara sa korte kaya mahihirapan tayo. Hindi din nila tinanggap ang perang ipinasok natin para mapabilis ang paglaya ng iyong kapatid, Mrs. Ortega."mahabang paliwanag ni Atty. Yael Ignacio, friend of Rodjun.

Nagulat ako ng marahas na napatayo si Rodjun."Paanong hindi? Napag usapan na namin iyon ni tita Beatrice na babayaran namin yung halaga ng jewelry'ng nakuha ni Carlo."naghihimutok na sambit niya. Tumayo ako at dinaluhan siya.

"Tama na."pagpapakalma ko habang marahang hinahaplos ang isa niyang braso. Mariin siyang napapikit at hinalikan ako sa sentido.

"I'm sorry."mahinahon na niyang sabi. Tumango ako at muling nagsalita si Atty. Yael.

"Ang gusto ni Mr. Alcantara ay mabuo ang pera sa loob lang ng isang linggong pabuya."

Napakunot ang noo ko."Mr. Alcantara? You mean si Blaire?"

"Yup.. Mr. Blaire Alcantara."sagot niya habang tumatango.

Napaawang ang labi ko at tumingin sa kawalan. So siya ang dahilan kung bakit hindi makalaya-laya ang kapatid ko? Mahigit dalawang linggo na kaming nananatili dito sa pilipinas dahil hindi pa rin namin mailabas ang kapatid ko at hanggang ngayon inaayos pa rin namin ang kaso niya.

Na-operahan na rin si papa nung nakaraang linggo at sa awa nang diyos ay naging successful iyon. Halos dalawang milyon ang na gastos namin pero walang saysay ang halaga ng pera sa amin kung ang pinag-uusapan ay ang buhay na nang pamilya ko. Ganun din ang ginagawa namin para kay Carlo ngunit masyadong malaki ang halagang gustong makuha ng mga Alcantara. Dalawang bilyong piso kapalit ng paglaya ni Carlo.

Isang bilyong piso pa lang ang naipasok namin dahil unti-unti na rin nalulugi ang kumpanyang hawak ni Rodjun. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Maayos naman ang pagpapatakbo ni Rodjun sa kumpanya pero ang pinagtataka ko ay ang biglaang pagbagsak nito.

Sinubukan ko naman tanungin si Rodjun about doon para magawan namin iyon ng solusyon. Pero matigas pa sa bato ang ulo niya. Ayaw daw niya akong idawit sa problema niya at ang asikasuhin ko na lang daw ay ang paglaya ng kapatid ko.

Minsan nakokonsensiya na ako. Pakiramdam ko, ako yung salot sa buhay niya. Simula nung maging asawa niya ako ay nagkakaroon na siya ng problema sa kumpanya.

Napahilamos ako sa mukha ng pumasok sa isip ko si Blaire. Sigurado akong siya ang nasa likod ng mga problemang ito. Pero bakit pati ang kumpanya ni Rodjun ay dinadamay niya? Sarili niyang kadugo, ginagawan niya ng paghihirap. Anong klasi siyang pinsan, kung ganon?

Sa bagay, demonyo siya at wala siyang konsensiya kahit pamilya pa niya ito. Mga walang kamuwang-muwang ngang mga sanggol na hindi pa nasisilang sa mundong ito ay itinakwil na niya.

Nabalik ako sa katinuan ng hawakan ni Rodjun ang mga kamay ko at hinarap ako sa kaniya. Tumingin pa ako sa paligid at hinanap ang kanina'y kausap namin.

"Wala na siya. Nakaalis na."sagot niya sa gusto kong itanong.

Marahan akong napatango."Pasensiya na kung hindi man lang ako naka pagpaalam sa kaibigan mo."

"Shh.. It's okay to him. Babalik na lang daw siya once na naging maayos na ang kaso."

"Salamat."sabi ko.

KINABUKASAN dumalaw ulit kaming dalawa ni mama sa kulungan. Si Carmela ang naiwan sa bahay upang bantayan at alagaan si papa. Si Rodjun naman ay nagpaalam sa akin na may importante daw siyang pupuntahan.

Nalungkot at naiyak si Carlo ng malaman niya ang tungkol sa kaso. Kanina pa din ako nagpipigil sa pag-iyak ngunit hindi ko na iyon mapigilan at tuluyan na itong bumuhos.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now