Chapter 24

4.5K 86 1
                                    

"Tuazon, may dalaw ka."anang pulis na may pagkataba at malaki ang tiyan.

"Sino oh?"rinig kong tanong ng kapatid ko.

"Lumabas ka na lang diyan nang malaman mo."masungit na sagot ng pulis.

Ilan pang minuto ay nakita ko na siyang lumabas. Malaki na rin ang pinagbago niya kumpara noon. May malaki na siyang pangangatawan at halata ang mga maskulado niyang mga braso. Medyo nag matured na rin ang itsura niya at gumwapo pa lalo. May mga tumutubo na rin mga bigote sa kaniya.

"Ate?"nabalik lang ako sa katinuan ng tawagan niya ako. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa mukha.

"Carlo?"sambit ko at niyakap siya na tinugunan din niya.

"Ate, miss na po kita."aniya.

"Miss na rin kita."saka ako humiwalay.

"Upo muna tayo ate."aya niya. Mahina akong natawa at sinundan siya sa may mesa at upuan.

Umupo kami at inilapag ko sa mesa ang dala kong mga pagkain. Pinagmasdan ko muna ng mabuti ang mukha niya.

"Ang gwapo mo na ah?"biro ko. Napahimas naman siya sa kaniyang batok na tila nahihiya.

"Wala naman sa lahi natin ang panget."aniya na ikinaingos ko.

"Wala naman akong sinabi ah?"natatawang sagot ko.

"Eh, kung makasabi po kasi kayo ng Ang gwapo mo na ah? Pakiramdam ko panget ako noon."

Napahalakhak ako at kinurot siya sa pisngi."Ate!"reklamo niya.

"Oh bakit? Lumalaban ka na?"taas kilay kong tanong.

"Hindi po. Hehe"parang batang sagot niya.

Sumeryoso na ako at hinawakan siya sa mga kamay since magkaharap naman kaming dalawa.

"Wag kang mag-alala, Carlo, gumagawa na nang paraan si Rodjun upang makalaya ka dito."sabi ko.

"Nandito po kayong lahat?"tanong niya, mababakas sa kaniya ang kasiyahan.

Ngumiti ako ng mapait at umiling."Kami lang dalawa ni Rodjun ang umuwi dito."sagot ko. Bumagsak naman ang mga balikat niya.

"Akala ko pa naman makikita ko na ang kambal."malungkot niyang sambit.

"Wag kayong mag-alala, isasama din namin sila dito once na naayos na ang lahat. Kaya ikaw, magpakabait ka na at WAG NA WAG KA NANG GAGAWA NG KATARANTADUAN."piningot ko siya sa tenga.

"Ate naman! Mabait naman po ako, bakit kailangan niyo pa po akong pingutin."reklamo niya habang himas-himas ang namumulang tenga niya. Inirapan ko lang siya.

Katahimikan ang namutawi sa amin. Nang lingunin ko siya ay nakatulala lang siya sa mga pagkain at kita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Carlo?"tawag ko sa kaniya, dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Ngumiti ako at hinawakan siya sa mukha."Okay na si papa, wag ka nang mag-alala. Kami na ang bahalang magpapaopera sa kaniya, okay?"

Marahan siyang tumango at ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.

"Kumain ka na."pag iiba ko.

"Salamat po."mahinang sagot niya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain.

"Hon, I'm sorry kung wala akong nagawa."paulit-ulit na sambit ni Rodjun habang yakap ako mula sa likod. Kanina pa ako nakauwi sa bahay at nakausap na din namin ang attorney ni Carlo kanina lang upang pag usapan ang posibleng paglaya ng kapatid ko. Ngunit sadyang hindi kami pinapalaran dahil na kay Mrs. Alcantara pa rin daw ang desisyon dahil siya ang napagnakawan ng halagang 50 million sa isang jewelry lang.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now