Chapter 32

3.9K 76 8
                                    

Nakatulugan ko ang pag iyak kanina. Paggising ko, agad kong tinignan ang orasan at 10 am na ng umaga. Kailangan ko ng magluto para sa pag uwi ng mga bata.

Lumabas ako sa silid after kong i-check ang sarili sa salamin. Medyo namamaga ang mga mata pero hindi naman gaanong halata. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko pa sila ate Juvy at ate Susan na may pinag uusapan, tila kilig na kilig.

Hindi nila alam na nandito ako kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila.

"Bagay na bagay talaga sila, ano?"ate Juvy.

"Sinabi mo pa.. Nung una palang, botong-boto na ako kay Camille para kay Sir Blaire. Imagine, nagkaanak pa sila ng kambal."ani ate Susan habang kinikilig.

Kumunot ang noo ko ng masali ang pangalan ko. Kami pala ang main topic? Tumikhim ako dahilan para mapalingon sila sa akin. Halata ang gulat sa kanilang mga mukha ng makita ako.

"A-ah..Eh...May narinig kaba, Cams?"kinakabahan na tanong ni ate Juvy atsaka sila nagsisihang dalawa ni ate Susan sa pamamagitan ng kanilang pagtitig sa isa't isa.

Ngumiwi ako at umiling na lamang.

"Next time po, ate, wag niyo na po kaming pag usapan..Lalo na po kung kasama ang pangalan ni Blaire, baka kayo po mapagalitan."sabi ko at nagtungo sa ref."Ako po sana ang magluluto ngayon."dagdag ko at binuksan ang ref.

"Ah? Oo, sige.. Uhm, pasensya na. Hindi talaga namin mapigilan na kiligin sa inyo. Lalo na kalat na kalat na ngayon ang mga litrato niyo sa social media at pinag uusapan na kayo ng lahat."

Napatigil ako sa ginagawa at hinarap ang dalawa ng puno ng pagtataka.

"Anong litrato?"takang tanong ko.

Lumapit si ate Susan at may ipinakitang mga litrato naming apat ng mga bata kasama si Blaire na kuha pa ng nasa mall kahapon.

Pinagmasdan ko ang mga litrato. Halos nasa sampu ang shots nito na may iba't ibang anggulo ang makikita. At ang muntikan pa naming paghalikan ni Blaire ay nakuhanan din. May mga articles na nakasulat dito at mga komento mula sa nakakarami.

Kahapon pa ito kumalat pero ngayon ko lang napansin. Ganon ba talaga kapag kilala ang isang tao ay madali ding kakalat ang mga issue nila?

Multi-Billionaire Blaire Mathew Alcantara tycoon entrepreneur is here at the mall with her children. We already know that Mr. Alcantara already has children and he is very lucky because he was lucky to have twins. but most surprisingly they were with another woman.

The question is..Who's the woman they with? Is she the legal Mom of the twins? And what is the relationship of Ms. Kaorine Dei Sebastian to the twins and especially to Mr. Blaire Alcantara?

Mishi; OMG! The kids are really cute like their father.

LiraYu; Gosh! Ang gandang lahi talaga. Gusto ko tuloy magpaanak kay Blaire Alcantara.

ConnieEsperanza; I think the woman their with is just a nanny of the twins. Hahaha I like Miss Kaorine to be their mom. She's beautiful and she's my Idol for fashion.

PortiaCruz; Woah! Just calm down gurl. The woman you judge is even more beautiful than your Idol Kaorine. She's beautiful and look at them, they are so fun to watch ... Like OMG! Look at Blaire, staring at the woman, as if he only sees her.. Gosh! Kinikilig ako.

Pagkatapos kong mabasa ang mga comments ay isinauli ko na ulit kay ate Susan ang phone. Ayoko ng mabasa ang iba. Nakakasakit na sila.

Mukha ba akong yaya ng mga bata? At si Kaorine pa talaga ang gusto nila para maging ina ng aking mga anak?

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now