Chapter 2

793 25 3
                                    

Trigger Warning ⚠️

This chapter includes graphic references to topics such as: rape and sexual harassment.

This is not suitable for minors. Please, read at your own risk.

"Sandali lang po!"

Itinigil ng mag-lola ang kanilang pagtatalo sa gitna ng daan. Nilingon ako ng matandang babae at hindi na nag-dalawang isip na lapitan ako.

"Hija, pasensya kana talaga sa apo ko. Hindi ko na mapilit na bumalik doon. Hayaan ko na raw," paliwanag niya.

"Kung gano'n, ako po ang pipilit sa kanya dahil kahit kailan ay hinding-hindi magiging tama 'yon," humakbang ako, ngunit humakbang din palayo 'yung dalaga.

"Clarissa..." marahan kong tawag sa kanya. "Pakiusap, bumalik na tayo ro'n."

"Hindi ako babalik! Wala akong tiwala sa 'yo!" diin niya.

Mabilis akong lumapit sa kanya para hindi siya makatakbo palayo. "Pa'no mo naman nasabi 'yan? Eh, hindi ko pa nga nasisimulan ang trabaho ko."

"Hindi pa ba obvious? Hindi ka ba nanonood ng balita sa TV? Kayong mga pulis mismo ang sangkot at pasimuno ng mga krimen!" sigaw niya.

Bastos na bata...

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. "'Wag mong lahatin. Hindi lahat ng pulis ay katulad nila. Hindi ako nakakalimot sa sinumpaan kong tungkulin kaya 'wag mo sa 'king ipagkait ang pagkakaton na tulungan ka. Lumapit kana, eh, kaya panindigan mo. Hinabol kita kaya paninindigan ko."

Bumagsak ang mga balikat niya at nag-umpisa nang magtubig ang kanyang mga mata. I tapped her shoulder and gently pushed her, so we could walk together. Nginitian ako ng matanda at sumabay na rin sa paglalakad.

"Salamat, hija," aniya.

Nginitian ko siya. "Trabaho ko pong proteksyunan ang mga kabataan at kababaihan."

Mag-i-isang taon na akong pulis at mulat na ang mga mata sa mga mabibigat at karumal-dumal na krimen. Ngunit kung may hindi man ako kayang sikmurain, iyon ay ang pang-aabuso sa mga kabataan.

"Ilang taon kana ulit?" paninigurado ko dahil akala ko'y nasa edad 20 pataas na siya.

Napa-isip si Clarissa. "15 po."

Sinapo ko ang noo ko at pumikit ng mariin. She's a rape victim! Putang ina!

"Ilang beses kang pinilit ng ex-boyfriend mo na makipagtalik?" nanggigigil kong tanong.

"Maraming beses na po..." her voice was shaky.

Bumaling ako sa matanda. "'Nay, ngayon niyo lang po ba 'to nalaman?"

"Opo, Ma'am. Nag-kwento lang 'yan sa 'kin no'ng ipinatawag ako sa school dahil binu-bully siya ng mga kamag-aral. Do'n lang po siya umanin..." tugon nito habang pinupunasan ang mga luha.

'Yung putang inang 20 year old ex-boyfriend ni Clarissa, nanakot pa sa pamamagitan ng pagti-text na papatayin niya ang dalagita kapag nagsumbong. Inakala kong ikinalat lang ng hayop na 'yon ang sex video nila sa kadahilanang nakipag-break na sa kanya si Clarissa, pero hindi ko inaasahan na mas may matinding dahilan pa pala kung bakit kumalas sa kanya ang dalagita. Para akong bulkang sasabog nang ibunyag ni Clarissa na paulit-ulit siyang minaltrato at ginahasa habang nakatutok ang patalim ng hayop na 'yon. Sinabi rin niya na hinihipuan siya nito sa mga pampublikong lugar.

"Patong-patong na kaso po ang isasampa sa ex-boyfriend ni Clarissa. Nariyan ang rape, which is non-bailable and the suspect will be penalized by reclusion perpetua. Nilabag din niya 'yung Republic Act No. 7877, or Anti-Sexual Harassment Act of 1995, Republic Act No. 9995, known as the Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, at Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Isama na rin natin 'yung grave threat dahil sa ilang beses niyang pambabanta sa biktima."

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now