Chapter 53

550 28 0
                                    

This chapter is dedicated to: Jichen07 and RubelynPoderanan

Halo-halo ang aking naramdaman habang nakatitig sa libingan sa harapan. It was crazy how days passed by like a blink of an eye. Summer wasn't over, but raindrops kept falling down. Ngayo'y payong ang sandata ko laban sa bagsik ng kalangitan.

Slightly tilting my head to look at my right, I shared the umbrella to Marcus who just got here. Nauna na ako dahil nag-park pa siya ng sasakyan.

Kinuha niya 'yung payong sa akin at dumungaw sa tinitingnan ko kanina. "Pagkatapos ng lahat ng nangyari, this is probably the best resting place for him..."

"This place is just perfect, don't you think?" I glanced at Marcus. "This is how it should be done. Noon pa man, dapat magkasama na talaga sila."

We both looked at my mother's grave. Sa kaliwa no'n ay ang malalim na hukay kung saan ihihimlay si Papa bukas ng umaga.  And then it hit me. We were all in one place, reunited as family; but I will never be able to hug my parents no matter how much I wanted to. It felt bittersweet, pero ang importante naman sa akin ay magkasama na sila.

As if he could read my mind, Marcus suddenly pulled me for a hug. Napangisi ako at ipinulupot ang mga braso ko sa baywang niya.

"Nagpapasalamat sa 'yo si Mama kasi sinagip mo 'yung urn ni Papa..." biro ko nang kumulog ng malakas.

Umiling siya. "Nah-uh. I just think she just wants you to be more careful from now on. And knowing that the outcome wasn't what we were expecting, we shouldn't let our guard down this time."

"I get your point..." I unconsciously put my hand on the scar on my neck.

Until now, wala pa ring leads kung saan nagtatago si Glen. It was really unfortunate that we missed our chance just because we underestimated him. But the good thing was, we already know who was helping him. They created a great escape plan and the operatives were still tracking them down.

One year ago, a man named Ahkam bin Muhammad has escaped Malaysia. He was a bomb-making expert, and FBI's one of the most wanted terrorists in the world. Tinulungan siyang magtago ni Glen dito. And ngayo'y palaisipan na kung konektado rin sila sa mga rebelde sa Mindanao.

How serious it could get? And when will it end? Kasi dalawa lang 'yan, eh. Ako 'yung makakahuli kay Glen—o si Glen 'yung tatapos sa akin.

Back in my bedroom here in my grandmother's house, Marcus took a shower. Nakipag-video chat naman ako kay Bridgette para humingi ng update. Nasa airport siya ngayon kasama sina Warren at Daniel.

"Delayed 'yung flight dahil sa bagyo! We'll have to wait for 30 minutes bago kami makasakay sa eroplano!" stressed niyang sagot habang nagpapamasahe ng likod kay Warren.

I smirked at her as I laid down the bed. "Gano'n talaga! Hindi naman pwedeng 'yung bagyo ang mag-adjust para sa inyo."

Sumimangot siya at ipinakita na lang sa akin 'yung sitwasyon sa airport. Nahagip ng camera si Daniel na seryosong nag-la-laptop habang umiinom ng kape.

"He's working on your father's case. Kausap niya kanina 'yung prosecutor, pero hindi ko naman masyadong na-gets 'yung topic nila..." pabulong na sinabi ni Bridgette na patakip-takip pa ng bibig niya.

"Nadagdagan na naman kasi ang mga kaso ni Glen. Ilang hearing 'yon... Aabutin ng ilang taon..." I said hopelessly.

Pumalatak siya. "Ano ka ba? Think positive! Lilitaw din ang gagong 'yon! Syempre, nagpapagaling din 'yon katulad ni Alfredo. Who knows? Baka mas malala ang tinamong injury no'n!"

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now