Chapter 14

543 25 10
                                    

Question: What would be the conflict of the main characters can possibly be?

P.S. I would never change the plot nor the flow of the story just 'cause I find your answers quite befitting. This is just for fun as I enjoy reading theories.

And as usual, the person who has the best answer (closest to the one I had in mind) will receive a reward. The winner will be announced right after the first season.

Bago umalis si Marcus, sinuguro ko munang may babalikan siya rito. We are officially in a relationship. I said 'yes' on our last day at the beach. He left me a cowrie shell anklet on my left ankle that signifies that I have a lover. It was minimalist and the fact that he made it himself made me loved it more.

"Medyo masaklap lang, teh, dahil LDR 'agad kayo," ani Bridgette habang nagmamaneho ako palabas ng airport.

Ngumuso ako at pinagpahinga ang kaliwang siko ko sa bintana. Hinawakan ko 'yung bahagi ng noo ko na hinalikan ni Marcus bago siya pumasok sa boarding gate. It turned out that he had a private lounge for himself and he brought me in there. It was a brief, emotional moment for us.

Ganito pala 'yung pakiramdam ng mga taong nalalayo sa mga asawa o ka-partner nilang OFW...

"Anong 'medyo'? Sobrang saklap kamo!" I side-eyed her. "Bakit ikaw? Hindi ka ba nalulungkot?"

Bumagsak ang mga balikat niya. "Syempre, nalulungkot..."

Unlike Marcus and I, nasa M.U. stage palang sila ni Alexander. I've never seen her like this. Tinamaan talaga ng husto ang best friend ko.

"Para ngang gusto na tayong isilid sa mga maleta nung dalawa kanina, eh," dagdag niya.

Napangiti ako nang maalala 'yon. My boyfriend didn't want to be part with me; he wanted to bring me to his home country. Pero alam naming pareho na hindi pa pwede.

"Maglasing tayo sa apartment mo! Ako na bahala sa alak at pulutan basta sa 'yo 'yung venue!" Bridgette suggested.

"Maaga ang pasok natin bukas, Ma'am," I emphasized the last word, so she would be reminded of her duties. "Saka hindi naman ako heartbroken para magpakalango sa alak..."

Ginulo niya 'yung buhok niya at sumusukong tumango. I sighed and continued to drive even though my heart seemed to feel heavier than the usual.

When we arrived at the apartment, Lola Carmelita called me to give me an earful. Apparently, I was supposed to go with Jamaica to Mikee's shop yesterday. Kukunin sana 'yung measurements ko para sa dress na isusuot ko sa nalalapit na kasal ni Ate Jeminah. I told her that Mikee had it already since nagpagawa naman ako noon sa kanya ng dress para sa anniversary ng kompanya.

Hinilot ko 'yung sentido ko. "Parehas lang po 'yon, 'La. Hindi naman po ako tumaba."

"Yes! But you should've called me or your cousin to let us know! Pinaghintay n'yo 'yung tao sa wala! He's busy and now we have to reschedule your appointment!" galit niyang tugon.

I fucking texted that brat! It was clearly not my fault! Hindi niya sinabi sa matanda o kay Ate Jeminah, eh. Ako tuloy ang napag-initan ngayon! At, gaano ba katagal ang aabutin ng pagkuha ng measurements? Para namang bibilangin pa nila kung ilan ang balahibo ko.

"Pumunta ka sa shop ni Mikee bukas kung sa tingin mo'y bridesmaid ka pa rin ng Ate Jeminah mo," aniya bago binaba ang tawag.

I groaned and threw my phone in the bed. "Punyemas! Ang sarap bigwasan ng babaeng 'yon!"

Tumawa si Bridgette. "Ano? Ayaw mo pa rin bang uminom?"

"Ligo lang ako..." tumayo ako at mabilis na hinablot 'yung tuwalya ko.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon