Chapter 11

598 22 7
                                    

Para makaiwas sa atensyon ng ibang tao, pinili na lang namin makipag-kita ni Bridgette kina Marcus sa Makati Avenue. Naisipan naming bumili ng mga pagkain sa sikat na night market sa Poblacion.

Syempre, hindi makikipagkita sa kanila nang naka-uniporme kaya pumunta muna kami sa apartment para magpalit ng damit. She chose to wear that very short dress that if she'd bend over, her deep forest would get revealed. On the other hand, I picked the black windbreaker cargo joggers, partnered with a white cropped t-shirt and white sneakers.

We were in a hurry, but Bridgette wanted to do something to my hair. Gusto niya ng loose-braid hairstyle dahil bagay daw 'yon sa 'kin. Naka-high ponytail naman ang kanyang buhok. After that, we left immediately.

"Bakit dito mo sila pinapunta? Kakain ba ng kwek-kwek ang mga 'yan?" bulong ni Bridgette habang nililibot namin 'yung night market.

Pa-simple kong nilingon sina Marcus at Alexander sa likuran. Nagtama ang mga mata namin ni Marcus at 'agad siyang bumaling sa food stalls. Si Alexander naman ay abala sa pagmamasid sa kapaligiran.

Tumikhim ako. "Ano, uh, favorite hangout place namin 'to ni Bridgette. Ano'ng gusto niyong kainin? Marami kayong pagpipilian na street foods dito. Meron din namang rice meals kung gusto niyong mag-kanin."

"Huh?"

Ginamit ni Marcus ang pagkakataon na tumingin sa mukha ko nang marinig niya ang boses ko. Ngunit hindi niya 'ata naintindihan ng mabuti ang mga sinabi ko kaya kinailangan kong ulitin 'yon.

"Ano'ng gusto niyong kainin?" I said, ignoring Bridgette's silent squeak.

Marcus bit his lower lip and his eyes started to wandered around again. "Anything is fine, Laia."

"Laia?! You call her 'Laia'? Damn, boy! You're really smitten, aren't you?" eksaheradang reaksyon ni Bridgette.

Siniko ko siya. "Manahimik ka. Ako nahihiya..."

"Oo, kaya ko nga nililigawan ang kaibigan mo, eh," sagot naman ni Marcus na nagpakilig sa aking kaibigan.

Tumikhim ako at itinuro kay Marcus 'yung stall ng shawarma. "Tara! Punta tayo ro'n."

"As you wish," ngisi niya at pinalitan si Bridgette sa tabi ko para masabayan ako sa paglalakad.

Um-order kami ng shawarma rice. Dinagdagan namin 'yon ng mga ihaw-ihaw dahil gusto raw tikman ng boys ang mga 'yon. I thought Marcus wouldn't dare to eat that, pero siya pa 'yung pumunta roon at nagpa-ihaw.

"What's that black thing right there?" inginuso niya sa akin 'yung paper plate na may betamax.

Kumuha ako ng isang stick at tinitigang mabuti 'yung pagkain. "Sure akong dugo ng manok 'to. Try it."

Tinanggap niya 'yung stick at walang arteng kinain 'yung betamax. He dipped the second piece into the vinegar sauce and finished the rest.

"Did you like it?" nakangiti kong tanong.

Nahihiya siyang nagkibit-balikat. "It's not that bad. It's not good either." Sunod niyang tinuro 'yung isaw ng manok. "I know that one. I ate it once, and it was good!"

Naaaliw akong pinanood siyang kainin 'yon. To be honest, I was really amazed! Before I got to know him better, I thought he was the typical rich guy that always snubbed people who are not on his level. Yes, I know; creating a stereotype that he was far above me or anyone else wasn't a good idea. But like I've always said, Marcus Schmidt was different.

Kaya ko nga nagustuhan...

"I want you to try something," sabi ko nang maubos niya 'yung isang order ng kwek-kwek.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now