Chapter 26

497 21 3
                                    

Parang tuod na umupo si Bridgette at tiim-bagang ko namang tinanggap 'yung menu na inabot ng waiter. I flipped the pages harshly as I secretly watch those two from afar.

I was right, then. Sa tulong ni Gemma, malamang ay siya rin ang pumatay kay Kiko. Hindi ko alam kung silang dalawa lang ba ang gumagawa ng maruming trabaho o may kasabwat pa sila.

"I never knew how serious our situation was until now. Malamang hindi lang coincidence ang pagpili nila sa hotel na 'to para sa kanilang meetup. We need to think of a plan as soon as possible," ani Bridgette habang patagong kumukuha ng video.

I clenched my fists as I lifted my gaze at her. "Promise me that you'll never tell this to Marcus..."

"Bakit? Ano'ng gagawin mo? Kung may masama nga'ng binabalak ang dalawang 'yon sa kanya, hindi ba't karapatan niyang malaman 'yon?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binalingan ulit sina Gemma at Edwin. Halos hindi nag-uusap ang dalawa. Maya-maya'y may makapal na sobreng inabot si Edwin kay Gemma. Halata namang pera ang laman no'n; bayad sa pagpaslang niya kay Lambert.

Malapit lang sila sa pastry bar kaya nag-pasya akong tumayo. Bago umalis, hiningi ko kay Bridgette ang bagay na palagi niyang dala. Turning the recorder on, I walked in there without looking at them. Napansin kong lumingon sa gawi ko si Edwin at balewala naman ako kay Gemma.

Ngumisi ako. May tama na ang isang 'to. Drunk driving pa more! Ni hindi niya ako nakilala gayong magkasama kami sa powder room kanina. May amnesia ka, girl?

Hawak ang thong, plato, at cellphone na nasa ilalim no'n; kaswal akong kumuha ng mga tinapay na mukhang masarap sa paningin ko.

"Ano na'ng susunod na utos ni Chief? Nagbigay na ba siya ng assignment? Mission successful 'yung last assignment ko kaya may bonus ako," ani Gemma at pa-simpleng lumingon sa direksyon ko.

Akala ba niya hindi ko alam ang ginagawa niya? Isang sibilyan ang tingin nila sa akin ngayon kaya normal lang na mag-usap sila bilang mga pulis.

Natawa si Edwin. "Yabang mo naman, Bok! Hindi lang ikaw 'yung mission successful. Alam mo 'yan. Pero sa ngayon, Sierra-Tango-Oscar-Papa daw muna tayo."

Isa ka pang tanga, Edwin! Bakit ka gagamit ng Phonetic Alphabet, eh, maraming nakaka-intindi no'n? Sabagay. Tanga nga, eh. Hindi niya naisip 'yon.

'Buti naman. Limang araw mawawala si Arnuevo kaya hindi na ako maiirita sa kakaisip na makikita ko siya ro'n, " tuwang-tuwa si Gemma.

"Medyo na-bad shot ka nga kay Chief, eh. Galit pa rin 'yon sa ginawa mo," bitaw ni Edwin, pero bakas naman ang pagka-tuwa sa kanyang boses.

Gemma laughed wickedly. "Sus! Deserve naman niya 'yon! Akala mo kung sino! Basta sabihan mo na lang ako kung kailan natin huhulihin 'yung nasa tuktok."

Nanlaki ang mga mata ko at 'agad pumihit sa kanilang direksyon. Mabilis ang paglalakad ko at wala nang pakialam sa disgrasyang aabutin ko. Nang pumantay sa inuupuan ni Edwin, ibinangga ko 'yung heels sa paa ng lamesa para madapa ako. Bumagsak ang aking katawan, mga tinapay, at ang pira-pirasong bubog sa malamig na sahig. Kinuha ko 'yung cellphone ko at napangiwi sa sakit.

"Sis!" Napasigaw si Bridgette gamit ang 'di makilalang boses, ngunit sumenyas ako na 'wag na 'wag siyang lalapit sa akin.

Ang mga waiter ay dali-daling kumuha ng first aid kit at panglinis sa natapong pagkain. Ang ibang customer naman ay hindi na nakisali nang nakitang may tutulong sa akin.

"Miss, okay ka lang?!" Inalalayan akong tumayo ni Edwin at nangati ang kamao kong sapakin ang mukha niya nang lumapat ang magaspang niyang kamay sa balat ko.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now