Chapter 9

589 24 5
                                    

Hawak ko ang dulo ng buhok ko nang alalayan ako ni Marcus para maka-sampa sa helicopter. Nag-alangan pa ako no'ng una kung sasakay ba ako o hindi. Pero darating talaga 'yung time na kakailanganin kong harapin ang takot ko...

As I've said earlier, I wasn't afraid of heights. To be specific, this rotorcraft is what scares me...

Before taking a step up, I was able to read the big, bold white capital letters on the lower part of the door.

Schmidt International, Inc,.

Pumasok na rin si Marcus at mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri dahil nahihiya siyang ipakita sa akin na magulo 'yon.

"It didn't look bad! You can pull-off any hairstyle!" sabi ko habang nakatusok ang mga hintuturo ko sa loob ng mga tainga ko.

A low, soft chuckle has escaped from him when he saw what I was doing. Inilapit niya ang katawan sa upuan ko upang maabot 'yung nakasabit na headset sa aking harapan. While the corner of his mouth was slowly rising up, he leaned more closer to put the noise-cancelling device on my head.

Nagsalita ako sa mic. "Mic test..."

"Hello, Ma'am. Welcome," I was amazed when I heard the pilot's voice.

Mas lalong natawa si Marcus na ngayo'y abala sa pagkabit ng seatbelts ko nang kalabitin ko siya at itinuro 'yung headset na suot ko.

"Wala nang maingay! Ang galing!" I exclaimed happily.

Grinning at me, he also put his headset on and gently tapped my head. "I can't get enough with your cuteness. What should I do?"

"Huh?!" nagbingi-bingihan ako kahit hindi kapani-paniwala dahil hindi ko alam ang isasagot ko do'n.

Unti-unting umangat 'yung helicopter nang matapos si Marcus sa pagkabit ng seatbelts niya. Pero alam kong hindi gawa ng pagkalula ang nararamdaman ko sa tiyan ko. It was the effect of what he just told me...

"Ang shala mo naman! Gumamit pa talaga tayo ng helicopter para maka-iwas sa traffic!" I tried to act normal as if the fast beat of my heart was nothing.

Looking so amused at me, he shook his head. "No, Laia, it's not the reason as to why I opted to travel by air. For now, just look at the view down there."

May kataasan na ang lipad namin, ngunit tanaw na tanaw ko pa rin ang pagkaway sa amin ng mga bata sa lansangan. Kumaway ako pabalik na para bang nakikita nila ako.

"If they can hear you, what do you wanna say to them?" Marcus asked me while he was obviously enjoying a different view.

My forehead creased. "Uh, I would say: 'Hi, kids!' Gano'n lang..."

Tumango siya at marahang itinulak 'yung compartment sa kanyang harapan. Napansin ko namang paikot-ikot ang helicopter sa ere, hindi nilalayuan ang mga bata. Pagbukas ng compartment, umawang ang bibig ko dahil computer pala ang nasa loob niyon.

Marcus typed something and the live video of what the helicopter would look like if we were also watching outside flashed on the LCD screen in front of us.

"Look carefully, Laia..." he said and the colorful wordings suddenly appeared in each side of the windows.

Hi, kids!

Sa nanlalaking mga mata, niyugyog ko ang kaliwang braso niya. "Gagi! Ang galing!"

Sa screen, ipinakita ang mas malapitang kuha ng mga bata. Sabay-sabay silang tumalon sa tuwa nang nasilayan nila 'yon. Sobrang tinted ng malalaking bintana kaya kahit maliwanag ang kalangitan ay mababasa pa rin 'yon ng kahit na sinong mapapatingin sa helicopter.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now