Chapter 59

604 26 3
                                    

This chapter is decided to ayyyiiee and silentyyyy

We spent a few days in Berlin to meet Marcus' friends and went back to Frankfurt for departure as planned. There, Tita Melanie and Tito Michael sent us off and promised to visit us in the Philippines and to help with the wedding preparations.

Speaking of weddings, I was chosen as one of Kirsten's bridesmaids. Of course, it was an honor. Marami siyang kaibigan at kakilala sa showbiz industry, pero pinili niya pa rin ako. Nakatakda na ang araw ng kanilang kasal na gaganapin sa Balesin sa darating na Nobyembre. Sa weekend naman ay sasadyain namin ang shop ni Mikee sa mall para sa measurements ng isusuot naming dress.

"She already sent out the invitations? Oh, my gosh! May I see?!" 

I just got home from a dinner date and Bridgette already recognized the envelopes in my hand. Tumungo ako sa living room kung saan siya nakatunghay at nakangiti kong inabot ýung isa sa kanya.

"This is yours," I said and she squealed so loud.

She jumped off the sofa and snatched the envelope from my hand. "Oh, my God! For real?! I swear if you're trying to fool me—"

"Why would I do that?" Umupo ako sa sofa at nag-unat ng mga binti. "You're one of the luckiest fans who got invited to Kirsten Buenaflor's wedding. Marcus knew how much you adore and idolize his sister, so he probably mentioned you to her."

Maluha-luhang tumalungko si Bridgette sa harapan ko. "And how did he know that?"

I smiled at my best friend. "Because I told him..."

Lumundag siya sa akin at halos masakal na ako sa higpit ng yakap niya. "Oh, my God! You're the best! Thank you, Olga! Alam kong hindi ako makakpag-gatecrash do'n kaya aasa na lang sana ako sa live coverage! Thank you so much!"

Ngumisi ako at kinotongan siya. "Gatecrash pala, huh? You'd even break the law for your silly antics! But you have the invitation, so you don't have to get yourself into trouble."

Hindi na nakinig ang gaga at lumayo na upang tawagan si Warren. Ni hindi na niya nahintay ang pag-uwi nito at ágad nang sinabi ang magandang balita. That made me smile again 'cause her happiness matters to me.

Sa gabing iyon ay maaga akong natulog dahil may pasok ako kinabukasan. But I never thought I'd wake up in the middle of the night when a hard force rocked the building and sent intense vibrations to my bed that made me get up and hide.

"Olga! Olga! Are you okay?" it was seconds later when Bridgette knocked.

Sapo ang noo, lumabas ako sa kwarto. Tumigil na ang lindol, ngunit dama ko pa rin ang pagkahilo.

"It was the worst earthquake I had ever experienced so far!" ani Bridgette na napayuko na lang sa gulat.

I gently tapped her shoulder. "Calm down, Bridge. Nasa'n si Warren? Alis muna tayo dito..."

Nag-desisyon kaming bumaba dahil may tiyansang magkaroon ng aftershocks. Dala namin ang mga importanteng gamit at kalmadong lumabas ng building kasama ang ibang residente sa utos na rin ng management. At 'tulad ng inaasahan, naganap ang aftershock ilang minuto pagkatapos naming magtago sa ligtas na lugar.

Ibinulsa ko 'yung cellphone matapos kausapin si Marcus. "Kapag hindi pa raw advisable na umakyat, do'n muna tayo sa bahay ni Marcus sa Dasmariñas Village. Papunta na siya ngayon dito."

"Mas mabuti pa nga..." Niyakap ni Bridgette 'yung unan na sinalba niya. "Na-check mo na ba 'yung news? Saan ang epicenter ng lindol? I hope there are no casualties."

I took out my phone again to look for some news. A magnitude 7.8 earthquake struck San Isidro, Leyte. A video was circulating on the internet, showing the aftermath. The place was so dark and the wailing was haunting me. A lot of people in the background were crying and asking for an immediate response 'cause some of them were trapped, injured, and dead.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now