Chapter 35

538 24 8
                                    

This chapter is dedicated to: SolRiAen

Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Alfredo at tinulungan ako para hindi makatakas ang tatlo. Nagising ang mga tao nang dahil sa ingay namin kaya dinaluhan kami nina Renan at Bridgette. Nagtulong-tulong ang mga taga-roon sa pagtawag ng mga pulis kaya nahuli rin sa wakas ang mga suspek.

Sila ang nanloob sa bahay nina Ate Daisy at ang mga pumatay sa kanya...

"Ilang linggong nawala sina Lucho para magtago dahil pabalik-balik sa bahay nila at hindi mahuli-huli ang mga 'yan. Mabuti't natiyempuhan mo, Ma'am Olga," anang station commander.

"Naglabas po ng icepick, Sir, eh. 'Yon din ang ginamit nila sa... pagpatay kay Ate Daisy," tiim-bagang kong nilingon 'yung tatlong ulupong na kasalukuyang ginagawan ng salaysay ng arresting officer.

Ipa-file ang kaso sa fiscal's office at pagkatapos ay maghihintay pa ng sampung araw bago ulit mag-file sa prosecutor's office. Bilang mga akusado, bibigyan sila ng karapatan para magbigay ng salaysay o kontra pahayag patungkol doon. Ngunit may mga naka-saksi sa krimen kaya wala na silang kawala. Ninakaw nila 'yung mga mahahalagang kagamitan na sa tingin nila ay iniwan ni Papa kay Ate Daisy; nahuli sila ng biktima sa akto at wala silang napala kaya tinuluyan nila ito. Robbery with Homicide ang kasong isinampa sa kanila at walang bail 'yon. In other words, their crime should be consummated to be penalized by Reclusion Perpetua.

"Jail party ba kamo? Ang generous naman ng boss n'yo," nasusuklam kong sinabi sa kanila bago lumabas sa presinto.

Bumuntonghininga ako at isinuksok ang aking mga kamay sa mga bulsa ng hoodie ko. Madaling araw na, pero nasa presinto pa rin kami. Ngayon ko lang talaga naramdaman na parang bumibigay na ang katawan ko nang dahil sa pagod.

Sa labas, kausap nina Bridgette si Kuya Lucho na kakatapos lang magwala sa loob. Ang totoo niyan ay nagtatago lang sila ng mga anak niya sa kanilang bahay at nang nalaman ang nangyari ay napasugod siya rito. Pinagsasapak niya 'yung mga suspek at kung hindi lang naawat ng mga naka-duty'ng pulis ay makakasama niya sa bilangguan ang mga 'yon.

My friends stood up—wanting to give us some space. Tinapunan ako ng tingin ni Kuya Lucho bago siya nagsimulang maglakad palayo. Mabilis ko siyang sinundan habang sumesenyas sa mga kaibigan ko. Huminto kami sa gilid ng patrol car at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paghihirap sa mukha ni Kuya Lucho nang ako ay kanyang binalingan.

Facing me properly, he gave me a sarcastic smile. "Kahit nahuli na 'yung mga suspek, hindi ko pa rin matanggap na namatay ang asawa ko dahil sa 'yo. Sa totoo lang, labas na siya sa problema ninyong mag-ama, eh. Bakit hindi na lang sa 'yo iniwan 'yung ebidensya? Bakit sa kanya pa? Ano ba'ng papel niya sa buhay ninyo? Hindi ko matanggap, Olga... Bumabalik 'yung galit ko sa tuwing nakikita kita, pero hindi ko maikakaila na ikaw ang naging daan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng asawa ko."

Yumuko ako at sinalo lahat ng masasakit na sinabi niya. "Humihingi ako ng tawad, Kuya Lucho. Pati na sa mga anak n'yo na maagang naulila..."

Suminghap siya at napahilamos ng mukha. "Pinaalala mo pa talaga... Kahit naman ilang beses kang humingi ng tawad, hindi na maibabalik ang buhay ni Daisy."

I gritted my teeth as I looked at him coldly. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng minamahal. I lost my father, too. At inaamin kong inako ko talaga 'yung kasalanan kung bakit nangyari 'yon kay Ate Daisy. Pero hindi lang naman siya 'yung nagluluksa ngayon, eh; ako rin.

"Tatanggapin ko ang galit mo, Kuya Lucho, pero hindi ko ginusto 'yon. Nasasaktan din ako dahil kapatid na ang turing ko kay Ate Daisy. Araw-araw kong dinadala 'yung kunsensya at paninisi magbuhat no'ng iniwan niya tayo. Nirerespeto ko 'yung feelings mo, pero nakakaramdam din ako. Lumalaban din ako..." my voice broke as I tried to compose myself.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now