Chapter 1

914 28 0
                                    

Mula sa kalsada, nag-angat ako ng tingin sa rear view mirror. Tahimik lang si Lola Carmelita sa backseat at halos mabali pa ang leeg kakatingin sa bintana.

For a woman in her early 70's, she looked very young. Her classic and timeless beauty reminded me of that famous Hollywood actress that I adore so much. Her jet black hair was tied up elegantly in a low updo. Kutis porselana at humihiyaw ang dugong Espanyol na nananalaytay sa kanyang mga ugat. Matangos ang kanyang ilong at kulay malabnaw na tsokolate ang kanyang mga mata. She seemed so untouchable in her whole designer ensemble. And of course, her trademark red lipstick was always bold and on point.

She quickly turned her gaze at me when she noticed that I was staring at her. "What are you looking at, Olaia? May sasabihin ka?"

Napalunok ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko... Nagsimula na ang pagsusungit niya!

"A-Ano po'ng dress code ng party?"

Hayop na 'yan! Wala na akong maisip na topic dahil nangangatog pati utak ko tuwing kausap ko siya. 'Tapos kami lang dalawa dito sa sasakyan. First time 'to kaya ebarg talaga!

Narinig ko siyang ngumisi. "Interesado kana ngayon? Ang sabi ni Jeremiah, wala ka raw balak pumunta, ah?"

Ah, gano'n! Nilaglag ako? Gasgasan ko kaya 'yung sasakyan na 'to nang makaganti man lang ako?! I chewed my cheeks and rolled my eyes. As if kaya ko namang gawin 'yon, 'no?

"Pupunta po ako, Lola," paglilinaw ko.

"Kung pupunta ka talaga, sumama ka bukas kay Jamaica sa shop ni Mikee. Siya na lang kasi ang walang isusuot na dress dahil puro gala ang inaatupag no'n. Ipasusundo na lang kita sa apartment mo," aniya at 'agad tinawagan ang maldita kong pinsan.

Pumikit ako ng mariin. Eh, kung bumili na lang kaya ako sa Divisoria? Mas mura pa roon! Pwede ko pang ipa-renta sa mga mag-J'JS Prom!

Pinindot ni Lola 'yung balikat ko kaya nilingon ko siya saglit. "Anong nginingiwi-ngiwi mo r'yan? Ako ang magbabayad, pwede ba?"

"Opo. Okay po..." sumusuko kong sinabi.

Niliko ko 'yung sasakyan sa gasolinahan. Ibinaba ko 'yung bintana at naghintay sa paglapit ng gasoline boy. Nang sisingilin na ako nito, binuksan ko 'yung wallet ko at napakunot ang noo nang makitang may 1,750 roon.

"Wait lang," sabi ko sa gasoline boy at muling binilang 'yung pera ko.

"What are you doing, Olga? Wala kang pera?! Dollars lang ang dala ko!" My grandmother was really offended. "Paano na 'yan? Ibalik mo 'yung gasolina kung kaya mo. Nakakahiya!"

Umiling ako. "May pambayad po ako, Lola. Sobra pa nga po, eh."

"Then why are you still looking at your wallet as if the money will come out by itself?! Ulo lang ang meron sa mga 'yan at hindi buong katawan!" she said impatiently.

Inabot ko 'yung 500 sa gasoline boy. Napasandal ako sa upuan sabay sapo ng noo ko. So, the one thousand bill belongs to that man! Pinang-Grab ko na pala 'yung sa akin! Daig ko pa 'yung mga ka-baro kong nangongotong, ah?

Gago, Olga! Ginagawa mo?!

"My goodness, Olaia! Utak mo lang ang lumilipad, hindi kasama ang sasakyan! Hindi ang klima ng Pilipinas ang nagpapasakit sa ulo ko, eh. Pull yourself together!" talak ni Lola Carmelita.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now