Chapter 23

464 16 2
                                    

Mas lalo kong idiniin 'yung baril sa ulo ni Lambert dahil hindi ako natutuwa sa pakikipag-titigan niya sa akin.

"Ano sabing ginagawa mo dito?! Sumagot ka!" hindi ko kayang pairalin ang maximum tolerance sa kupal na ito.

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng panginginig ng baba niya. "O-Olga, m-misunderstanding lang!"

"Misunderstanding?!" I scoffed sarcastically. "Misunderstanding ba 'yung pagnanakaw mo sa mga underwear ko?! Misunderstanding ba 'yung ilang beses mong pagpasok dito nang wala ako?! Gago! Ang sabihin mo, manyak kang hinayupak ka!"

"O-Olga, nagkakamali ka! W-Wala akong ginagawang masama! Sinisilip lang kita—"

"Sinisilip?!" Gamit ang aking hintuturo, dinuro-duro ko 'yung noo niya. "Eh, 'di inamin mo ring manyak ka! Sinong matinong lalaki ang gagawa no'n?! Ang creepy mo! Wala kang takot sa 'kin por que babae ako?!"

Amoy na amoy ko 'yung alak at sigarilyo na malamang ay naging daan niya para maglakas loob na gumawa ng katarantaduhan. Ang walang hiyang ito! Paano na lang pala kung tulog ako nang pumasok siya rito? Paano kung hindi ako handa? Ano na lang ang mangyayari sa akin kung sakaling hindi ko alam kung paano dipensahan ang aking sarili?

Kinapkapan ko siya, ngunit kapal ng mukha lang ang dinala niya. Hinila ko 'yung t-shirt niya kaya halos masakal na siya roon. Hinatak ko siya patungo sa bedside table at dinampot ko 'yung posas na nakapatong sa ibabaw no'n. Hindi umubra ang pagpupumiglas niya dahil buong lakas ko siyang inikot patalikod. Hinagis ko 'yung baril sa kama bago siya pinosasan.

"Olga, wala akong ginagawang masama! Ba't naman ganito? Nagkakamali ka ng akala! Ikaw ang mapapahiya 'pag nalaman nilang inaresto mo 'yung inosenteng tao!" Narinig ko ang panginginig ng boses niya nang dahil sa matinding takot.

Natawa ako. "Huh? Inosente?! What a fucking clown! Tigilan mo ako! Sa presinto ka magpaliwanag!"

I pushed him hard and his back hit the wall. Then, I uncocked the gun before I could even think of something that I would really regret. Kinuha ko 'yung cellphone at humingi ng backup habang ang mga mata ko'y nakatutok sa manyakis sa harapan ko.

I didn't want to listen to his bullshits anymore, so I dragged him out of the room. Sa ingay naming dalawa, nagising ang ibang nangungupahan at halos sabay-sabay sumilip sa kanilang mga bintana.

"Olga, ano 'yan? Bakit mo hinahatak si Lambert?" tanong ng isa.

"Pumasok po sa kwarto ko, eh! Manyak ang lalaking 'to!" sagot ko at mas lalong hinapit ang pagkaka-hawak sa t-shirt ni Lambert.

Sumama sa pagbaba namin ang ibang nagungupahan at 'yon ang lumikha ng komosyon na naging dahilan kung bakit nagising ang aming mga kapitbahay. Pati ang mga aso ay nakisali na sa ingay.

Halos ihagis ko si Lambert papunta sa roll-up door ng tindahan nila. At dahil parang yerong kinalampag ang tunog no'n, galit na galit na lumabas ang kanyang ina.

"Punyeta! Sino ba 'yan?! Madaling araw na ang ingay-ingay n'yo pa!" sigaw ni Tita Jelly, ngunit tila nawalan siya ng boses nang nakita ang kalagayan ng kanyang anak.

She immediately ran toward her son. Galit na galit at parang mananakit pa. Humakbang ako palayo at nangingising pinagmasdan ang mag-ina.

"B-Bakit ka naka-posas?! Ano'ng nangyari?! Sino'ng may gawa sa 'yo nito, anak?!" puno ng pag-aalala niyang tanong sa "kawawa" niyang anak.

"M-Ma..." itinikom ni Lambert ang bibig niya at nag-angat ng tingin sa akin kaya bumaling sa akin ang ina niya.

Sinugod niya ako. "Olga! Ano'ng ginawa mo sa anak ko, ha?! Ano'ng karapatan mo—"

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now