Prologue

2.3K 42 8
                                        

Suot ang sunglasses, sinundan ko ng tingin ang bawat bus na dumadaan sa kahabaan ng Kalayaan Avenue. Nakaparada ang police car sa gilid ng Century Mall at kasalukuyan naming inaabangan 'yung bus na sinasakyan ng intel na si Bridgette

Inilapit ko 'yung bibig ko sa mic ng earphones na suot. "Sa'n na kayo, Ma'am?"

"Pa-Century Mall na," her voice was almost inaudible. "Malapit lang sa akin 'yung inuupuan ni Sandra kaya hindi ko pwedeng lakasan ang boses ko."

I smirked and popped the bubble gum. Sumenyas ako kay Renan at 'agad nitong in-start ang sasakyan.

"Copy. Naka-antabay na kami dito, Ma'am," sagot ko at pumasok na sa shotgun seat.

"Seatbelt, Olga," ani Renan habang naka-dungaw sa bintana.

"Oo nga pala..." natauhan ako kaya 'agad kong ikinabit ang seatbelt ko.

Sumandal ako sa upuan at dahil protektado naman ang mga mata'y malaya akong nag-angat ng tingin sa kalangitan. Napaka-init ngayong araw lalo na't tanghaling tapat. Ngunit isantabi natin ang init ng panahon. Bakit hindi natin pag-usapan ang maliwanag na kalangitan?

For other people, today's just a normal day. But for those people who waited for this day to come, the sunrise symbolizes new beginnings; be it an opportunity to start a better life or a chance to set themselves free, so they could have a happy and peaceful life.

Sandra Marquez and Mrs. Cynthia Ling are both looking forward to this day...

Ilang sandali pa ay narinig ulit namin ang boses ni Bridgette sa radyo.

"Nakikita ko na kayo..."

Pareho kaming bumaling ni Renan sa paparating na bus. Tinanguan namin ang isa't-isa at naghintay ng ilang segundo bago namin sinundan iyon. In-alrerto rin namin 'yung ibang kasamahan namin na naghihintay sa airport.

"10-20..." that was Bridge.

"Skyway na, Ma'am," sabi ko sabay baba ng bintana.

Tiningala ko 'yung bus na katabi namin at natawa nang nagtama ang mga mata namin ni Bridgette. Nasa bandang likuran ang pwesto niya, lukot na ang mukha dahil iritable na.

She was wearing that freaking multifunctional grandma dress! Nagmukha tuloy siyang suksukan ng flash cards na madalas na ginagamit ng mga kindergarten teachers sa dami ng bulsa niyon. Halatang nangangati na siya at gustong-gusto nang tanggalin ang ikinabit nilang wig sa ulo niya. Idagdag pa 'yung cardigan at black stockings na ipinares sa leather shoes. She totally looked like a... loser.

"Tawa-tawa ka pa, Arnuevo? Ikaw naman ang susunod..." aniya sa mababang boses.

Ngumisi ako. "We'll see about that, Ma'am. 'Pag naging intel po ako."

Humarurot na ang bus na sinasakyan niya kaya nag-seryoso ako. Malapit na kami sa MIA kaya mas lalong umusbong ang excitement na nararamdaman ko.

Minutes later, I informed our intel through the radio. "10-23."

"Copy," narinig namin sa background niya ang pag-anunsyo ng kundoktor.

Pagdating sa airport ay 'agad kaming lumabas ni Renan para mag-abang. Sa kabilang kalsada, nakikita na namin si Sandra na hila-hila ang isang malaking maleta. Nakasunod naman sa kanya si Bridgette sa 'di kalayuan.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now