Chapter 4

669 26 3
                                    

Nginunguya 'yung meryendang bananacue, sinipsip ko 'yung straw at napalunok ng mariin nang gumuhit sa lalamunan ko 'yung malamig na coke. Nasa kanang kamay ko naman 'yung calling card ni Marcus Schmidt. Itinaas ko 'yon at itinapat sa sinag ng araw.

"'Uy, ano 'yan?!" Bigla na lang inagaw ni Renan 'yung calling card at tumakbo palayo. "Aba't luma-love life ang buddy ko, ah?"

"Akin na 'yan!" pinilit kong agawin iyon, pero napunta na sa mga kamay ng mga ka-baro naming bumibili ng meryenda sa maliit na karinderya.

"Ano'ng nakalagay?" kuryosong tanong ni Alfredo, nakatingkayad at sinisilip ang calling card. 

Renan cleared his throat and read it out loud. "It's always give-and-take, Olga. I need something in return."

"Naknampucha! Daming alam! Kanino ba galing 'to, Bok?" sabi ni Edwin nang mapasakamay niya 'yung calling card.

Inis akong lumapit sa kanya at mabilis na kinuha 'yon habang nakikipag-ngisian siya sa aming mga kasamahan.

"Wala! Napaka-tsismoso niyo! 'Di na lang kayo kumain ng kumain dyan!" paghihimutok ko.

Inakbayan ako ni Renan at sinaway ang mga ka-baro namin dahil patuloy pa rin ang kanilang pang-aasar. Pumalatak ako at itinaas ang kaliwang balikat para mahulog ang braso niyang nakapulupot doon.

"Tama na 'yan mga, pre! 'Wag na nating galitin si Olga! Mayayari tayo kay Ma'am Bridgette!" aniya at pinakawalan na ako.

Nagsitahimik sila kaya payapa na ang kalooban ko. Ibinulsa ko 'yung calling card at isinubo 'yung natitirang saging sa stick. Itinapon ko 'yon sa basurahan kasama ng plastic ng coke.

Siniko ko si Renan. "Ikaw na magbayad ng mga kinain ko. Pasensya kana, ha? Maraming salamat!"

"'Oy! Ano'ng libre-libre?! Bumalik ka dito!" sigaw niya, pero nangingiti na akong naglakad palayo roon.

Ang pagpasok ko sa headquarters ay siya namang paglabas ni Salve para mag-meryenda. Pareho kaming napahinto sa tapat ng main entrance.

"Bilisan mo, Bok! Nanlilibre si Renan!" natatawa kong ibinalita sa kanya.

Fake news pa, Olga!

Tinago niya 'agad 'yung wallet niya. "'Di nga?!"

"Oo nga!" May pa-tango-tango pa akong nalalaman. "Good mood si Loko, eh. Bilisan mo na at baka magbago ang isip no'n!"

Hindi na siya nakasagot at mabilis nang tumakbo palabas. I chuckled and hurriedly went back to our office.

Inasikaso ko 'yung mga affidavit at ibang mga dokumento na naipon mula sa mga nagpa-blotter kaninang umaga hanggang tanghali. I popped the chewing gum in my mouth as I faced the computer.

Habang nagta-type ay bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung ibinalita kanina ni PMSg. Lucille Ibanez patungkol sa suspek sa panggagahasa kay Clarissa. Ayon sa abogado nito, maghahain daw ito ng not guilty plea dahil inosente raw at napag-bintangan lang.

Natawa nga ako nang narinig ko 'yon kanina, eh. Tiyak na ibabasura lang 'yon ng korte. Inosente? Eh, nariyan 'yung medico legal na nagpapatunay na may rape ngang naganap. Idagdag pa 'yung palitan nila ng chat ni Clarissa. Walang balak magpa-areglo si Clarissa kaya talagang makakahon ang hayop na 'yon.

Pagpatak ng alas siete ay nag-unat ako ng mga braso't mga binti. Kinusot ko ang mga mata ko at pagod na sumandal sa swivel chair.

"Bok, 'di ka pa mag-aayos?" tanong ni Salve.

"Mag-aayos na..." tumayo ako at napahikab habang nililigpit ang mga folder na nagkalat sa desk.

Nag-abang ako ng tricycle at pinara 'yung una kong nakita. Hindi ko ginamit 'yung Lancer dahil kailangan ko pang ipa-change oil 'yon. Medyo kapos ako ngayon kaya hihintayin ko na lang 'yung sahod ko.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now