Chapter 34

507 23 9
                                    

This chapter is dedicated to: lovelovemedarrrmmm0

I also wanted to dedicate the song above to our brave girl, Olga. ♥︎

The Filipino citizens raised their concern about the government's capability of fighting corruption when the representative of Makati's 1st congressional district got arrested on his birthday. Nalaman ng buong bansa ang itinatagong baho ni Cong. Glen Romualdez nang nagpatawag ng press conference si PNP General De Castro. Maging ang Malacañang ay nagpahayag ng pagkabahala at mga gagawin nilang hakbang ukol dito. Ngayon ay pinangungunahan ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon lalo na't graft and corruption ang numero uno sa listahan ng mga krimen na ginawa ng hayop na 'yon.

"You don't look happy at all," puna ni Bridgette habang pinapanood namin 'yung balita sa TV.

"Masaya ako dahil sa kulungan naman talaga siya nababagay. I'm just not satisfied. Alam mo naman siguro kung bakit..."

She looked up and pursed her lips. "If I were your father, where would I leave the clues and the evidence? Ikaw ang higit na mas nakakakilala sa kanya at gano'n din siya sa 'yo. Malakas ang kutob ko na itinago niya 'yung ebidensya sa lugar na ikaw lang ang may access at tanging nakaka-alam. You have to think about it carefully, Olga."

She made a good point, but right now, I really had no idea where could I find it. Kailangan ko munang pumunta sa Dumaguete kung saan nananatili ang pamilya ni Ate Daisy.

Lunes nang bumalik ako sa presinto. 'Tulad nina Martin, naka-piit sa lock-up jail si Glen Romualdez dahil nasa preliminary investigation pa lang. Nagsanib pwersa na ang PNP at NBI para sa mas mabilis na pag-usad ng mga kasong kinakaharap ng mga suspek.

Kumatok ako sa pinto ng opisina ni Hepe bago pumasok. "Chief, pinatawag n'yo raw po ako?"

Ibinaba niya 'yung tawag at inikot 'yung inuupuan paharap sa akin. "Pupunta tayo sa City Hall. Gusto ka raw makausap ni Mayor. Be ready at 1 p.m."

"Po?" Napakunot ang noo ko. "Copy, Chief..."

Nakikita ko sa mukha niya na gusto niyang ngumisi. "There's nothing to be afraid of, Arnuevo. He might voice out his concern about your father's case. Alam kong gusto niyang tumulong sa pagkamit mo ng hustisya para sa ama mo."

"I understand, Chief. Nagpapasalamat po ako dahil maraming gustong tumulong," sabi ko.

He smiled at me. "Of course. Your father was one of the best commanders we ever had. We'll never forget his kindness and how passionate he was when it comes to fulfilling his duties. And I'm sure that he's very proud of you."

I can attest to that. I've seen it all. And just like them, he was my role model—the reason why I became a police.

Sa labas pa lang ng Makati City Hall ay sinalubong na kami ng secretary ni Mayor Romeo De Vega. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil unipormado kaming dumating ni Hepe rito.

"This way po," anang secretary na panay ang tingin sa akin.

I smiled at him politely, but he just blushed and looked away. Kahit sa elevator ay nakikita ko sa peripheral vision ko na sumusulyap siya sa akin.

Tumikhim si Hepe at seryoso akong binalingan. "Did you know? Someone asked me to protect his girlfriend, but that was before. And I can't blame these men for gawking at the most prettiest police officer in the history of PNP."

I gave him a sad smile. He was probably talking about Marcus. Naaalala ko na naman tuloy siya...

Nakadaupang-palad ko rin sa wakas ang alkalde. Nagulat pa ako dahil gusto rin akong makita ng unico hijo niya.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now