Chapter 16

505 22 3
                                    

Nakapaa kong tinakbo 'yung hallway ng ospital. Mas lalo lamang lumabo ang paningin ko sa bawat pagsilip sa mga silid na nadaanan. At nang matagpuan ko 'yung ICU, para akong lantang gulay na dumikit sa salamin.

"Papa..." nanghihina kong tawag sa ama kong kasalukuyang nire-revive ng doktor.

Humagulhol sa likuran si Ate Daisy habang ako'y tahimik na umiiyak. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naroon 'yung papa ko. Parang pinipilas 'yung puso ko ngayong nag-aagaw buhay siya sa harapan ko.

Bakit bumagsak 'yung helicopter? Bakit ang papa ko pa? Siya na nga lang 'yung pamilya ko! Bakit ganito pa ang nangyari? Bakit?!

Triple o mas higit pa 'yung kaba ko nang makita kong labas-pasok na sa ICU 'yung mga nurse. Lahat natataranta... Lahat sinusubukang isalba 'yung buhay ng papa ko...

"Papa!!!" sigaw ko nang umiling 'yung doktor at magbaba ng tingin sa suot nitong relo.

Nasamid na ako sa labis na pag-iyak at pag-ubo. At nang makita ko 'yung mahabang linya sa monitor ay halos maputol na 'yung litid ko sa sobrang lakas ng sigaw ko.

Hinatak ako palayo ni Ate Daisy dahil hinampas ko ng malakas 'yung salamin. "H-Hindi! 'Yung papa ko! Dok, buhayin n'yo 'yung papa ko! 'Wag kayong susuko, Dok! Mabubuhay pa 'yung papa ko! Dok, please! Kami na lang dalawa ng papa ko! 'Pa, lumaban ka naman!!!"

Nadapa na ako sa sahig sa pagmamadaling pumasok sa loob ng ICU. Umalingawngaw 'yung pag-iyak ko habang tumatakbo papunta sa papa ko. I was crying so hard that I felt like the veins in my brain would explode anytime.

"Papa! 'Pa, gising kana! Papa, please? Nagmamakaawa ako sa 'yo, 'Pa!" niyakap ko ng mahigpit si Papa at pagkasampa sa kama'y ibinaon ko 'yung mukha ko sa dibdib niya.

"Papa, magbi-birthday pa ako! Isasayaw mo pa ako sa debut ko! Paano na ako? Hindi ko kayang mag-isa! Sabi mo aalis ka lang, eh! Hinatid pa kita, 'di ba? Gabi ka babalik! Sabay pa tayong kakain! Papa!!! Gumising ka, Papa!!!" I shouted and cried my heart out.

Nilingon ko 'yung doktor na tahimik at naluluha sa gilid. Ang mga nurse na ka-hanay niya ay naiiyak habang awang-awa na nakatingin sa akin.

"Dok..." Bumaba ako at inabot 'yung kamay niya. "Dok, isa pa po! I-revive niyo pa 'yung papa ko! Kaya pa 'yan, Dok! Mabubuhay pa siya! Nagkamali lang kayo! Humihinga pa 'yung papa ko, eh! Magbabayad naman po kami! Birthday gift n'yo na lang po sa 'kin! Wala na akong nanay! Si Papa na lang ang natitira sa 'kin! Wala akong ibang kamag-anak! Ulitin mo, Dok! Please po!"

I rubbed my palms together and hugged her legs desperately. Napuno ng likido ang mga mata ko habang nagsusumamo. I wailed and knelt before her. Kulang na lang ay halikan ko ang mga paa niya maibigay lang ang simple kong kahilingan.

She closed her eyes and a tear fell on her cheek. "I'm sorry..."

Umawang ang bibig ko kasabay ng pagbagsak ng kamay ko mula sa pagkakahawak sa kamay ng doktor. Muling bumuhos 'yung mga luha ko at nagmadaling tumayo para kunin 'yung defibrillator na ginamit nila para i-revive 'yung papa ko.

Mabilis akong nilapitan ng mga nurse para awatin. "Miss! Hindi po pwede 'yan! Pasensya na po, pero 'wag mo na sanang pahirapan ang papa mo! Basag na 'yung ribcage niya—"

Umiling ako at niyakap ng mahigpit 'yung device. "Ako na lang ang bubuhay kay Papa! Ako na lang! Hayaan niyo na po ako! Please, ako na lang! Gigising ulit si Papa ko! Hindi siya aalis! Nag-promise siya sa 'kin!"

"Olga, tama na..." napapaos na sabi ni Ate Daisy gawa ng labis na pag-iyak.

Napaupo ako sa sahig at ilang beses na umiling. "Hindi, Ate! Naiintindihan mo ba ako, huh? Hindi pwedeng mawala si Papa! Siya na lang ang meron ako! Ayoko, Ate! Hindi ko kaya!"

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Onde histórias criam vida. Descubra agora