Chapter 49

514 28 5
                                    

This chapter is dedicated to: itsmehzel15 and Venditrice

Sumugod sa ospital ang pamilya ko 'gaya ng inaasahan. My grandmother was surprisingly composed, though. Mas na-high blood pa nga sina Tito Emmanuel at Jeremiah kaysa sa kanya. Katwiran niya, sa akin na lang siya magpo-focus; tiyak na mananagot naman kasi ang mga may sala sa batas.

"Bumalik ka na sa Grand Rêve, Jeremiah. Okay na 'ko. Maliliit na galos lang naman 'to," ipinakita ko sa kanya 'yung mga braso ko.

Mainit na ang ulo ni Jeremiah kaya hindi niya nagustuhan ang pagtataboy ko sa kanya. He just threw himself on the couch and started a conversation with Marcus as he didn't want to argue with me. I smirked a little as my gaze ran over on his barefoot after he left in a hurry.

Sa tulong ni Ate Jeminah, in-adjust ko 'yung hinihigaan ko para makaupo ng maayos. Sa kabilang banda, si Lola Carmelita ay nagtitimpla ng kape habang binabalatan naman ni Tita Celestina 'yung mga prutas.

Hinila ni Tito Emmanuel 'yung bangko at umupo sa gilid ng higaan ko. The lines in his forehead became more visible as he massaged his temples. He looked so stressed and restless thinking that it could've been prevented. We knew our enemy was very capable of doing such a thing, but we only sat back and relaxed while waiting for his transfer.

"Based on the report, the CCTVs in the cemetery are all broken. 'Yung sepulturero na magiging witness sana ay natagpuang duguan at wala nang buhay ilang metro ang layo mula sa mausoleum. Planado talaga ang lahat, Olga. I hate to say this, but we're back to zero."

I agreed with Tito Emmanuel and sighed deeply. Nagtama ang mga mata namin ni Marcus at malungkot niya akong nginitian. I found comfort in it, and so I returned it with a genuine one. Although I was aware of our situation, I didn't want to waste my energy on talking shit and all that. Being with the people I love and finding a reason to smile in this difficult time was already a huge blessing. I thought it was a big step or some sort of character development; the old me wouldn't react this way for sure.

Galing sa pakikipag-usap sa mga pulis sa labas na ipinadala ng Makati Police District, pumasok si Bridgette sa ward at nakiusap sa iba na iwan muna kaming dalawa. I almost choked when she squeezed me into her arms while cursing me.

"Punyeta ka talaga! Gusto mo 'ata akong patayin sa kaba, eh! Ba't ba gustong-gusto mo sa ospital?!" sermon niya.

I clicked my tongue as I looked at her face. "Tanga mo talaga! Sino ba'ng may gustong masabugan? 'Buti nga hindi kami nagtamo ni Marcus ng malalang injury! Gano'n din sa ibang taong nasa sementeryo kanina!"

She slapped the folder in my arm and sat on the chair. Naka-civilian lang ang lukaret kasi wala naman siyang duty ngayon. She cleared her throat and checked if the oxygen tank was working just fine.

Humalukipkip ako at pinanliitan siya ng mga mata. "Balita?"

"Nagkasa na ng malawakang manhunt operation ang PNP. May pabuya ring limang milyon ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Glen Romualdez at ng mga tauhan niya. It's all over the news. Sa ngayon ay under investigation ang shootout na naganap sa St. Luke's at ang pagsabog sa sementeryo. The CCTV footages would be the best evidence, but unfortunately..." napabuntonghininga na lang siya.

Yeah, it sucks!

"Nakuhaan na ba ng statement si Rein Romualdez?"

Nalukot ang mukha niya. "Ayaw humarap sa media, eh. Ayaw magpapasok ng mga pulis sa bahay nila para maisagawa na ang search warrant. Naka-ilang missed calls na rin ang headquarters sa kanya, pero patay malisya ang babaeng 'yon. Tinitingnan na ang ibang anggulo dahil kung kasabwat siya ay patong-patong na kaso ang haharapin niya."

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now