Chapter 31

578 27 14
                                    

Abril ngayon at dapat ay ramdam ko ang init ng panahon, ngunit kabaliktaran ang nangyayari ngayon gawa ng panaka-nakang pag-ulan sa iba't-ibang bahagi ng Luzon. Walang pakialam na mabasa, ginawa kong pang-salo ng tubig-ulan ang mga palad ko. There was no typhoon, but there was a low pressure area based on the weather forecast. The sun was just about to set, but the sky was already dark.

I don't hate rain—even the sound of the heavy raindrops and the coldness it brings. But at the moment, I couldn't enjoy it nor it could help me feel relaxed. The level of my anxiety has climbed up and it affected me mentally and emotionally.

Bumalik ako sa huwisyo nang napansing wala nang patak ng tubig sa mga kamay ko. I looked at them and saw a pair of hands on top. Tumingin ako sa kanan ko at nginisian si Alfredo. Ibinaba ko ang mga kamay ko at sumandal ng patagilid sa railings.

"Hindi ka ba mag-aayos, Bok? Parating na raw sina Gemma at Edwin..." he said without glancing at me.

"'Wag na. Mag-e-effort pa ako para sa kanila, eh," at saka baka makikala nila ako 'pag nag-ayos ako.

He grinned and side-eyed me. "Pero para sa 'yo ang party na 'to. In-invite mo ba 'yung boyfriend mo?"

I pursed my lips and looked at my wet hands. May naka-sampay na mga bimpo sa gilid ng balcony kaya kumuha ako ng isa at pinunasan ang mga kamay ko.

Alfredo crossed her arms. "'Lam mo, Bok? Observation ko lang, ah? Nagiging uneasy ka 'pag umiiwas ka sa topic. Nalaman namin ni Renan ang ginawa n'yo ni Ma'am Delano kahapon. Pinalabas mo na cheater ka. Gumana ba ang plano mo?"

Bumagal ang pagpunas ko at ibinaling ang tingin sa ibang bagay. "A drunk Marcus showed up here last night. I could say that it was successful, but the pain I'm feeling right now is nothing compared with the pain that I've caused him. And I'm not done yet."

Tumango siya at humarap na lang sa tanawin. "Wala akong karapatan para husgahan ka, Bok. May kanya-kanya tayong paraan para ipakita o iparamdam kung gaano natin kamahal ang isang tao. Para sa 'kin, ang pagmamahal mo ay 'yung klase na handang mag-sakripisyo kapalit ng proteksyon para sa taong importante sa 'yo."

That silenced me. 'Sacrifice'... It was true, I made a big sacrifice. Ayos lang kung hindi 'yon makita ni Marcus dahil alam kong gagalitin ko siya ng husto. Ang mahalaga naman ay mailayo ko siya sa kapahamakang kinakaharap ko ngayon. After all, it was my duty to serve and protect people.

"Kaya 'wag kang mag-alala, Bok. Hindi namin sasayangin 'yung sakripisyo mo," tinapik ni Alfredo ang balikat ko bago bumalik sa loob.

Through the glass sliding door, I saw him at the living room with Bridgette and Renan. Abala sila sa pagse-setup ng mga pagkain doon. One final look at the sky, I tilted my head before I went inside to help them out.

Dumating ang una naming bisita na si Salve. Hawak ang box ng cake, nakayuko siyang naglakad papalapit sa amin. Medyo nahihiya dahil hindi siya gano'n ka-close kina Renan.

Sabay silang siniko ni Bridgette. "'Oy, kayong dalawa! Baka naman asar-asarin n'yo si Salve, ah?"

Nilapag ni Renan sa platito 'yung slice ng pizza at itinaas ang mga kamay. "Mabait ako, Ma'am! Ang kaibigan ni Olga, kaibigan ko na rin!"

"Gano'n din naman ako. So, drop the formality. Wala tayo sa presinto," ani Bridgette.

"Okay, Bridge..." natatawang tugon ni Renan at kinindatan ako.

Natawa na rin ako sa kalokohan ng mokong na ito. Dumukwang ako at kumuha ng isang slice ng pizza. Ibinigay ko 'yon sa katabi kong si Salve na halatang naninibago.

"Thanks sa pagpunta! Kain ka lang. 'Wag ka mahiya sa mga 'yan," sabi ko sa kanya.

Tumango siya at maya-maya'y nag-aya nang mag-karaoke. Ngumisi ako sapagkat unti-unti na siyang nagiging kumportable.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now