Chapter 10

624 24 4
                                    

"Gaga! 'Oo' lang ang tamang sagot! Wala nang iba!"

I covered my ears and buried my face in the pillow. Itong si Bridgette, umiral ang pagiging pulis at "rumesponde" kahit gabi na nang sinabi ko sa kanya 'yung nangyari kanina.

"So, ano? Nililigawan kana talaga ni Marcus? Hanep ka, girl! Grasya na ang lumapit sa 'yo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Grasya ka diyan!"

"Bakit? Hindi ba? Ituring mong blessing ang pagdating ni Marcus sa buhay mo! Mahal kita, alam mo 'yan. Pero never kong na-imagine na 'yung tipo mo ang magugustuhan niya. Ibig sabihin lang no'n, friend, hindi importante kay Marcus 'yung panlabas na anyo at estado sa buhay. Nahanap niya sa 'yo 'yung hindi niya nakita sa iba."

Yakap ang aking unan, sumandal din ako sa headboard at natulala. She has a point. 'Yon nga lang, natatakot ako na baka mawala ang nararamdaman ni Marcus para sa akin. Kasi ako, hindi pa gano'n ka-lalim ang atraksyon ko sa kanya. Pero gusto ko talaga siya...

"I don't know. It just felt surreal. Ayoko namang mag-invest ng time, effort, at feelings sa bagay na walang kasiguraduhan. Don't forget that Marcus doesn't live here."

Nginiwian niya ako. "What do you mean? Nag-aalangan ka dahil sasabak kayo sa LDR kung sakali? Girl, he's the boss! Hawak niya ang oras niya. Trabaho ang mag-a-adjust sa kanya."

"But, I've seen it already, Bridge. Malaki ang responsibilidad niya sa—"

"At gano'n din sa 'yo. Hindi ka niya liligawan kung hindi ka niya kayang panindigan..." aniya at pinindot ang sentido ko.

That hit me. Oo nga naman. Should I give it a try? Kahit NBSB ako, naniniwala naman ako na made-develop ang feelings ko kapag mas lalo kong nakilala 'yung tao. Who knows? The simple attraction might be more deeper than that.

Mabait at madaling pakisamahan si Marcus. Pinaparamdam niya sa akin na importante ako sa kanya; hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa. Oo, gwapo siya at mayaman—'yon ang katotohanang nakikita ng aking mga mata. Pero 'yung nararamdaman ng puso ko ang pinairal ko kaya ko nasabing gusto ko siya.

Nahampas ni Bridgette 'yung unan kaya halos mapatalon ako sa gulat. She was looking at her phone and the angst over her face was so evident.

"Bad trip! Nali-link kay Azure Lorenzo si Noreen Montoya! Bali-balita pang engaged na ang dalawa! Hindi pa nga nagtatagal mula no'ng humupa 'yung chismis tungkol sa kanila ni Sophie Silva, eh! Itong babae raw ang third party sa hiwalayan nila ng rumored ex-girlfriend niyang si Kirsten Buenaflor!"

Pinakita niya sa akin 'yung screen ng cellphone. "That's Sophie Silva?"

Parang pamilyar...

"Oo! Ang bwisit na 'to! Napanood mo ba 'yung video na naghahalikan sila ni Azure sa isang bar?! Pakiramdam ko 'yon talaga ang dahilan kung bakit nag-break sila ni Kirsten, eh! Kawawa naman 'yung idol ko!" padabog niyang binato 'yung cellphone niya sa kama.

Dinampot ko 'yung kawawang cellphone at pinunasan ang screen niyon. "Nasa'n na ba siya?"

"I don't know! Wala pang statement galing sa manager niya! Kainis!" pagsusungit niya sa akin.

Hinatak ko tuloy 'yung dulo ng buhok niya. "Tanga mo! Hindi ako ang kaaway mo! Gaga na 'to!"

Rolling her eyes, she clicked her tongue and climbed down the bed to get more beer-in-can. Bumuntong-hininga ako at muling binasa 'yung article.

As far as I know, bukod sa pagmamay-ari ng aviation company, may real estate company din sila na pinapatakbo ng daddy at ate niya. Azure Lorenzo is like a 3 in 1 instant coffee; he's a private pilot, engineer, and an assistant director.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now