Chapter 18

518 20 2
                                    

I couldn't forget about what Marcus told me last night. I thought he was just high or something, but Kirsten Buenaflor might turn out to be his younger sister all along. Wala siyang sapat na ebidensya, ngunit malakas ang kutob ko na maaaring tama ang hinala niya dahil malaki ang pagkakahawig ng mommy niya at ng aktres. It was confidential, so I really couldn't tell anyone about it not unless it was already confirmed.

Pero paano nangyari 'yon, 'di ba? Paano mabubuhay 'yung kapatid niya kung patay ito nang inilabas sa sinapupunan ng mommy nila? Inilibing pa nga nila sa Germany. Ang hirap paniwalaan lalo na't hindi pa napapatunayan.

To stop myself from overthinking, I got off my car and headed inside the building. Muntik pang matisod sa hagdan ang bagong dating na si Renan dahil naka-tatlong balik siya ng tingin sa akin.

"Kalma! Ako lang 'to..." biro ko sa kabaro at tinapik ang balikat niya.

"Patay tayo diyan!" Sabay kaming napatingin sa likuran at nakita ang nakangising-aso na si Edwin. "Nagpa-short hair na! Wala na! Finish na!"

Laglag-panga ang kasunod niyang si Alfredo nang napagtanto kung sino ang kinakausap niya. Lumapit ito sa akin at sinimulan ang pangingilatis.

"Bok, ang ganda mo..." the look of admiration was all over his face.

"Naman!" Inakbayan ako ni Renan.
"Para talagang ka-abang-abang na event sa headquarters 'yung pagpapagupit niya ng buhok kada taon!"

"Sana naman makinig kana sa 'min ngayon. 'Wag mo na ulit papahabain 'yung buhok mo, Bok. Mas bagay 'yan sa 'yo," ani Edwin.

They complimented me, but it didn't make my heart flutter. Si Marcus lang talaga ang makakagawa no'n.

"Parang bida sa action movie, 'no? Angas!" Renan patted my head. "Dadami na naman manliligaw mo!"

"May boyfriend na 'ko," nag-pasya akong pumasok na sa loob.

"Ha???" sabay-sabay nilang sinabi, pero hindi na ako lumingon.

"Hotdog..." bulong ko sa sarili at napangisi.

Pinansin ng lahat ng nakasalubong ko ang bago kong hairstyle. All of them were aware of that "ritual" thing-y, and they've been waiting for since last year. Kahit naman ako ay sang-ayon din na mas bagay sa akin ang maikling buhok.

Will I grow my hair again? I'll think about it...

"Oh, look who's here!" Pabirong kinalampag ni Salve 'yung desk. "Love your hair, Bok! Ang badass mo tingnan!"

"Thanks, Bok! Match-y na tayo!" tinuro ko 'yung buhok niya dahil parehas kaming naka-pixie cut.

She couldn't help but laugh. "Oo nga, eh! Kaso lang magmumukhang 'Expectation vs. Reality' 'pag pinagtabi tayo!"

"Sira ulo..." natawa na rin ako at binigyan siya ng high-five pagkalapit ko sa desk.

Hinila ko 'yung swivel chair at umupo roon. Inimis ko 'yung desk nang may nakitang kalat roon bago ako nagsimula sa trabaho.

"Nga pala, Bok... Nagbigay daw si Chief ng bulaklak para sa papa mo, ah? Totoo ba?" ani Salve habang binabasa 'yung files.

"Oo. Malaking basket pa nga, eh," natuwa ako nang maalala 'yon.

My co-officer cleared her throat. "Aware ka ba na mas naunang ma-promote 'yung papa mo noon kaysa kay Chief Cristobal?"

"Oo, alam ko 'yon." Kunot-noo ko siyang binalingan. "Ano'ng meron?"

Gamit ang mga paa ay pinaandar niya 'yung swivel chair para makalapit sa akin. "Narinig ko kasi no'ng bago pa lang ako dito na hindi aksidente ang pagkamatay ng papa mo at ng mga kabaro niya. May foul play daw na naganap at peke 'yung resulta ng autopsy. Alam mo naman, malapit ang papa mo kay Mayor kaya maraming naiinggit sa kanya. Naungkat na naman 'yung chismis na 'yan dahil death anniversary niya kahapon..."

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon