Chapter 3

640 33 2
                                    

Pagbalik ko sa hall, parang may maganda akong nai-ambag sa buong mundo kung makatingin sa akin ang mga tao.

Grinning widely, Lola Carmelita rushed to me. "Why didn't you tell us?!"

"Oo nga, Olga. We could've sent an invitation if you only told us that you're friends with him," ani Tito Emmanuel na nakabuntot sa matanda.

Huh? Sino ba'ng tinutukoy nila?

Nilagpasan kami nung babaeng empleyado na dumaan kanina malapit sa elevator. Her dreamy smile was evident as she glanced at me.

"Si Marcus, hija!" my grandmother said happily.

"M-Marcus? Marcus who?!" ako lang 'ata 'yung walang ka-alam alam sa mga pinagsasabi nila.

"Marcus Schmidt, Olga. He's the President and the heir to the Schmidt International, Inc. Pag-aari nila ang hotel na ito. You didn't know about that?" naguguluhang sabi ni Tito Emmanuel.

Wait—So, si Marcus Schmidt 'yung lalaking kausap ko kanina?!

"Hindi ko po—"

"Tawagin mo siya, hija! Invite him to the party! You'll see, bukas na bukas din ay nasa headlines na tayo!" kakapasok ko pa lang, pero tinutulak na ako ni Lola Carmelita palabas.

"Olga, napaka-big time ng kaibigan mo! 'Di mo man lang sinabi sa 'kin!" si Jeremiah na hindi na rin napigilang maki-usyoso.

"But he's not—"

My grandmother pushed me away. "Dali na, hija! We can't waste this opportunity! Marcus Schmidt needs to be here!"

Para nila akong isinuka kung itulak palabas ng hall. They even locked the doors, stopping me from entering not until I brought that guy in here. They wouldn't even listen to me!

Frustrated, I groaned and marched towards the front desk. Common sense na lang, alam kong hindi nila sasabihin kung nasaan ang office ng lalaking 'yon. For security purposes, syempre. Hindi naman basta-bastang tao 'yung gustong imbitahin ng mga kamag-anak ko.

"Si Mr. Marcus Schmidt?" I asked the front desk clerk casually. Para lang akong bumibili ng toyo sa tindahan.

Kunot-noo niya akong tiningnan. Maging ang dalawa niyang kasama ay binalingan ako na tila ako'y nahihibang.

"I'm sorry, but we can't give you the information about Mr. Schmidt. Do you have an appointment with him?" naiilang na sagot ng babae.

I pursed my lips as I took out the money that I slipped inside my right chest. Their jaw dropped when I unfolded the one thousand bill. Ipinatong ko 'yon sa desk.

"Mr. Schmidt knows me. Pakisabi na magbabayad ako ng utang..."

Punyemas! Nakakahiya!

"Im sorry. What?!" the employee couldn't believe what I just said.

Bumuntong hininga ako. "Just do me a favor and call his office. Please tell him that the woman from the airport is looking for him."

Nagdududa man at nagtataka, sinunod pa rin niya ang pakiusap ko. Pagpapasaha-pasahan pa 'yung tawag bago iyon makarating sa opisina ni Marcus kaya tumungo muna ako sa lounge area. I crossed my legs and folded the money neatly.

Nahihibang na nga siguro ako para gawin ito. Hindi naman sa nagiging matayog ako na kinailangan ko pang ipahiya ang sarili ko, pero ang gusto ko lang naman ay makuha ang loob ng mga kamag-anak ko dahil sila na lang ang meron ako. 'Tsaka wala namang masama kung imbitahan ko ang hotelier na 'yon. Balak ko lang talagang ibalik ang pera niya.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now