Chapter 43

547 26 2
                                    

This chapter is dedicated to: michelle11dumpa and puensetia19

Umagang-umaga, namomroblema ako kung paano itatago 'yung tatlong hickey sa leeg ko. Ilang oras kaming nanatili sa sasakyan niya kagabi at takang-taka ako kung bakit hindi niya tinitigilan 'yung leeg ko; 'yon pala'y may mga marka siyang iniwan doon. Makikita pa naman ang mga 'yon kahit na may kwelyo ang uniporme ko.

"Hay naku, Marcus Schmidt!" daing ko habang nakaharap sa salamin at sinusubukang lagyan ng concealer 'yung leeg ko.

But my sweat would wipe it off later. How about a scarf? Malabo rin, eh. Tiyak na sisitahin ako ng commanding officer ko.

Since today was the flag raising ceremony, we were required to wear our GOA Type "B" uniform, which would include a skirt for women. Sa ngayon ay isinuot ko muna 'yung pangloob no'n na white v-neck t-shirt, jeans, at rubber shoes; sa presinto na lang ako magbibihis ng kumpletong uniporme. Kasi sa PNP, may tinatawag na "Tamang Bihis". Hindi pwede 'yung may sarili kaming command; dapat ay may disiplina at kaayusan sa pananamit.

Gamit ang motorsiklo ni Papa, nakarating ako sa headquarters labinlimang minuto bago ang flag ceremony. 'Agad akong nagbihis ng uniporme at pagkatapos ay nag-kape. Sa nalalabing oras bago kami papilahin sa labas, tinawagan ako ni Marcus at kung wala lang akong suot na relos ay hindi ko na mapapansin ang oras.

"Psst, Bok!" Nilingon ko si Renan na nag-jogged patungo sa direksyon ko. "May sasabihin ako. 'Lika muna. Mabilis lang..."

Inakbayan niya ako at iniwas sa mga kabaro naming palabas ng building. Tumayo kami sa gilid ng front desk. Humalukipkip ako at seryosong pinagmasdan ang kaibigan kong hindi mapakali.

"Seryoso kasi 'to, Bok..." pabitin niyang sinabi.

Tumango ako. Lumapit naman siya sa akin at bumulong.

"Magiging ninang ka na... Buntis si Alfredo..." tinakpan niya pa ang bibig niya at impit na tumili.

"Sira ulo!" Hinampas ko 'yung braso niya at pilit na nag-seryoso kahit na natatawa na rin ako. "Buntis ang girlfriend mo? Huy! Umayos ka... Ano? Totoo nga?"

Tumango siya, ngayo'y medyo namumula na ang mga mata. "Oo, Bok! Kahapon namin na-confirmed kasi dinala ko 'agad sa ospital si Cherry pagkatapos niyang mag-positive sa PT. Magiging tatay na 'ko!"

"Hala! Congratulations sa inyo, Bok!" niyakap ko siya. Pinagtitinginan na kami ng mga kabaro namin, ngunit talagang walang mapaglalagyan ang aming saya.

"Salamat, Bok! Ninang kayo ni Ma'am Delano, ah?"

"Oo naman! Walang problema. Sobrang matutuwa rin si Bridgette 'pag nalaman niya mamaya..." inakbayan ko siya at todo-ngiti kaming naglakad palabas.

'Tulad nga ng nakasaad sa plano, made-destino na ako sa Precinct 4 sa ikalawang linggo ng Abril kaya ang party'ng hinanda ni Bridgette at ng mga kabaro para sa akin ay nakatakdang ganapin sa condo mamayang gabi.

Biyernes, huling araw ko na sa headquarters. Saktong alas diez ng umaga ay nasa labas kami ng building. Babad na babad kami sa initan dahil isinasagawa namin ang PNP-FIT o 'yung aming one-minute modified physical exercises (1MPE). Ang kinaibahan lang tuwing Martes at Huwebes ay apat na minuto ang itatagal no'n.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now