Chapter 15

564 21 5
                                    

I had a hard time writing this chapter because I grew up without a father. Sana magustuhan n'yo. ♥︎

P.S. Hindi naabutan ni Olga 'yung K-12 kaya 'wag kayong magtataka kung bakit maaga siyang nakapagtapos ng pag-aaral.

"Marcus n'yo, stressed na!" humagalpak ng malakas na tawa si Bridgette habang pinapahiran ng ointment 'yung pasa sa braso ko.

Napasugod siya sa headquarters matapos mabalitaan ang nangyari sa akin. Aalagaan kuno niya ako kaya dito siya matutulog ngayong gabi. But that was just an excuse for her to leave their house.

Inismiran ko 'yung bruha. "Tumigil ka nga! Hindi makakapag-trabaho ng maayos 'yung tao. Ayoko ngang mag-alala siya at baka biglang mag-book ng flight pabalik dito, eh."

Unrolling the sleeve of my t-shirt, I grabbed my phone and headed to the balcony to have some privacy. Sa screen ng cellphone, nakita kong yakap ni Marcus 'yung unan habang minamasahe niya 'yung tungki ng kanyang ilong—tulala pa rin at hindi ako magawang lingunin.

Baka mahimatay na 'to kung sa susunod ay mas malala 'yung mangyayari sa akin...

Idinaan ko na lang sa tawa para hindi na siya masyadong mag-alala. "Marcus, okay lang ako! Hindi naman masakit! Hindi ako magiging pulis kung mahina ang loob ko. Bawal ang mga duwag sa propesyong ito. Isa pa, nabigyan na ng leksyon 'yung mga pasaway na 'yon."

He sighed and his intense gaze swept over me. "I know, Laia. Hindi sa pagiging OA, pero nalulungkot ako dahil parang ayos lang sa 'yo na masaktan ka. Babae ka pa rin. They should've helped you, but they just stood there and watched the whole thing. And I just want you to know that I'll always be proud of you—for being so brave and courageous and for serving the people with a heart. It's your job to protect them, but who's gonna protect you?"

Natameme ako dahil may point siya, ngunit ang buhay ng mga mamamayan ang dapat naming unahin. Kaya nga saludo ako sa mga kabaro kong nasa field dahil buwis-buhay ang pagsasagawa nila ng mga operasyon. The harsh reality of this job was no one would protect us but ourselves. Sa oras ng kagipitan, kami-kami lang din ang magtutulungan. At kapag dumating na sa puntong bagsak na ang bandera at wasak na ang dipensa, kanya-kanya na kaming sagip sa mga sarili namin upang mabuhay. 'Wag na 'wag lang talagang mauubusan ng bala.

"To be honest, nangangamba din naman ako dahil kaligtasan ko ang nakataya sa trabaho ko lalo na sa t'wing may gano'ng sitwasyon. It's inevitable. Kailangan kong mag-doble ingat. And I thank you for showing you concern, but you have to trust me..."

His expressive eyes blinked slowly. He embraced the pillow tighter as if he was fantasizing he was hugging me at the moment. Napangiti ako at patihayang sumandal sa railings habang pinagmamasdan ang boyfriend kong miss na miss ako.

"Wait 'til I come home," his husky voice sent shivers down my spine.

Slightly furrowing, my head bent closer to the screen. "But you're already home."

"Physically, yes. But my heart's longing for its new home..." that was almost a whisper.

My heart was beating so fast now that he's brought me to a higher level of euphoria. I wanted to see him so bad. I wanted to tell him that I was falling for him and held him responsible for making me feel this way. It might be foreign to me, but damn I was near losing my sanity.

Seriously, Marcus Lincoln Schmidt, what did you do to me?

As the days went by, the longing I was feeling inside intensified. Nilulunod ko na lang ang sarili sa trabaho para naman hindi siya 'yung palaging laman ng isip ko.

Pagdating ng Miyerkules, bumiyahe ako pa-Quezon City para sa rehearsals. Pero malapit na ako sa simbahan nang mag-text si Ate Jeminah para sabihing tumuloy muna ako sa bahay nila sa Loyola Heights.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now